Chapter 12: Breakfast

156 4 0
                                    

Chapter 12: Breakfast


"Jade di ka ba muna mag aalmusal?" Tanong ni mommy ng gumawa lang ako ng sandwich na dadalhin ko sa opisina at doon na yun kainin.

"Hindi na 'My. Late na ko eh. Ito nalang ang kakainin ko dun." Sagot ko.

Napakunot noo si Mommy. "Late? Maaga pa ah?"

"Oh Jade, paalis ka na?" Tanong ni Daddy na kakapasok lang sa dining area.

"Opo Dad. May naiwan kasi akong trabaho kahapon kaya kailangan tapusin ko yun ng maaga ngayon." Sagot ko.

Tumango tango si Daddy saka naupo na.

Nilagay ko sa bag ang sandwich at saka humalik sa pisngi nina mommy at daddy. "Bye 'My. Bye Dad." Paalam ko saka umalis na.

Naglakad lang ako hanggang sa paglabas sa village namin. Hindi naman ganoon kalayo ang bahay namin papunta sa gate. Mula doon ay nagtataksi na ako. May mga taksi naman sa di kalayuan. Nagtext ako kay Jane na paalis na ako dahil nagtext ito kanina na maaga din daw itong papasok. Pagkatapos kong magtext ay itinago ko na muli ang cellphone.

Nagmamadali akong maglakad ng may bumusinang sasakyan sa likod ko. Hindi ko yun pinansin dahil hindi naman siguro ako ang binubusinahan nun. Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mapansin ko na parang sumusunod sakin ang kotse kaya ng muling bumusina ito ay nilingon ko na. Huminto ito kaya napahinto na din ako.

Bumukas ang bintana at nakita ko si Luke na siyang nagdadrive. Nakangiti ito. "Paalis ka na?" Tanong nito.

"Oo paalis na." Sagot ko.

"Bat naglalakad ka? Walang naghahatid sayo? O wala kang kotse?" Nakakunot noong tanong nito.

Nginitian ko siya. "Wala akong kotse. Tsaka ayokong nagpapahatid. Mas gusto kong mag commute."

Tumango tango ito. "Gusto mo sumabay sakin?"

"Okay lang ba?" Nag aalangang tanong ko.

"Oo naman. Halika na."

Pumasok naman ako agad ng buksan nito mula sa loob ang pinto sa passenger seat. Nang makasakay na ako ay pinaandar agad nito ang sasakyan.

"Uh. Maaga ka yata ngayon?" Tanong ko.

"Oo eh. Maaga kasi umalis sina Drew at Laurel. Hinatid ni Drew si Laurel sa eskwelahan nito." Sagot nito.

"Ah. Si Kuya Zel?"

"Paalis na din yun." Anito. "Uhm.. Nagbreakfast ka na ba? Di pa kasi ako kumakain kasi nga maagang umalis si Laurel. Hindi na siya nakapaghanda ng breakfast kaya sa labas sana ako kakain."

Lumingon ako sa kanya. Nakatuon pa din ang atensyon nito sa kalsada. Hindi na ako nakaimik at napatitig nalang ako sa kanya. Mukhang naramdaman nito na may nakatitig sa kanya kaya lumingon ito sakin at huling huli niya ako. Nag init ang pisngi ko at nag iwas na ng tingin.

"Nagbreakfast ka na ba?" Ulit nito sa tanong kanina.

Umiling ako. "Hindi pa eh. Nagbaon lang ako."

"Bakit? Maaga pa naman."

"Uhm.. Kasi may naiwan akong trabaho kahapon, kailangan kong tapusin ngayon."

"Ang sipag mo talaga. Pwede mo naman gawin yun anytime. Hindi na nakakapagtaka na naunahan mo ang ibang umangat sa pwesto." Komento nito.

Bahagya akong ngumiti. "Hindi naman." Naiilang kong sinabi.

"Anyway, sabay nalang tayo magbreakfast. My treat." Anito at muling lumingon saglit.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon