Chapter 1: Unang Sulyap

442 7 4
                                    

Chapter 1: Unang Sulyap


"Good morning Jade!" Bati ng katrabaho ko pagkapasok ko sa office namin.

Nginitian ko siya at dumiretso sa cubicle ko. Kami pa lang dalawa ang nandoon dahil maaga pa naman. Magkatabi lang ang cubicle namin kaya itinulak nito ang upuan papasok sa akin para magkwento na naman siguro. Haay mga babae nga naman.

"Uy Jade, bat wala ka kahapon?" Agad na tanong ni Jane ng makalapit na sakin.

"Eh di ba nagpaalam na ako na aabsent kasi birthday nung pamangkin ko. Nagtatampo pa naman yun pag hindi nakita na kompleto kaming kapamilya niya. Bata pa naman kaya pinagbibigyan na namin." Paliwanag ko.

"Oo nga pala, kaya nga pala nagmamadali si Sir Zel na umalis kahapon." Anito.

Alam sa buong office na magpinsan kami ni Kuya Zel. Sir ang tawag ni Jane doon dahil kompanya ito ng pamilya ni Kuya Zel sa side ng papa nito. Pinsan kasi namin siya sa mother's side. Ang mama niya at papa ko ang magkapatid. Anyway, since siya naman ang president ng kompanya ay Sir ang tawag namin sa kanya.

"Oh may ikukwento ka pa yata, magsalita ka na habang maaga pa at may oras pang magchikahan." Sabi ko sa kanya habang medyo inaayos ang table ko na maayos naman.

Bigla itong parang sinilihan dahil hindi na ito mapakali sa pag upo.

"Oh my God Jade, alam mo bang ipinakilala na ang bagong CEO at vice president?" Patiling sabi nito.

Nagkibit balikat ako. Alam ko yun dahil balita naman yun sa buong office nung nakaraang linggo at isa pa nauna na yung nasabi sakin ni Kuya Zel bago pa man yun kumalat sa buong building.

"Oo alam ko kaya. Eh ano naman ngayon?" Tanong ko.

"Gosh! Ang gugwapo at ang ho-hot nila Jade! Oh my God kinikilig ako!" Para itong kiti kiting hindi mapakali ba tumitili tili pa.

Napailing ako. Ewan ko kung bakit ganito ang initial na reaction ng mga babae kapag nakakakita ng gwapo. First time lang ba nilang makakita ng gwapo? At isa pa kulang nalang ay sambahin ng mga babaing ito ang mga lalaking gwapo eh parehas lang naman sila na normal na tao.

  "Oh eh ano naman kung gwapo ang mga yun?" Mataray kong tanong.

Umirap ito. "Haay naku Jade, kahit kelan ka talaga. Ganyan ka ba ka immune sa mga gwapo?" Anito.

Umiling ako. "Hindi sa immune pero ano naman ang makukuha ko kapag humanga ako sa isang lalaki dahil lang gwapo siya? Tsaka kaya lumalaki ang ulo ng karamihan sa ganyang lalaki ay dahil OA kayo makareact." Sabi ko.

"Ang hard mo talaga. Naku ang mga katulad mo pag tinamaan ng pag ibig malala. Kaya ingat ingat ka sa mga binibitawan mong salita dahil baka lunukin mo ang mga yan." Pagbabanta nito.

Nagkibit balikat nalang ako. At kinuha ang crossword puzzle ko at nagsimulang sagutan yun. Tumahimik na si Jane kaya akala ko ay bumalik na ito sa puwesto nito pero maya maya ay impit na naman itong tumili.

"Ano ba yan Jane, puro ka tili. Bumalik ka na nga sa puwesto mo malapit na ang working hours." Sita ko sa kanya na hindi nag aangat ng tingin.

"Good morning Jade." Narinig kong binati ako ng isang lalaki. Napasimangot ako. Kilala ko na kasi kung sino yun. Tamad na lumingon ako.

Ang nakita ko ay ang nakangiting si Adrian na may hawak na tatlong stem na red roses. Katrabaho ko din siya sa floor na yun at ipinagpapasalamat ko na malayo ang cubicle niya sakin kundi minu minuto siguro akong mabubwisit sa kapreskuhan nito.

"Anong good sa morning?" Nakataas kilay na sabi ko.

At gaya ng dati, mukhang di na naman ito tinatablan ng katarayan ko.

"Good kasi nakita kita. Ito nga pala para sayo." At iniabot ang bulaklak.

Malamya kong kinuha yun para umalis na ito. "Thanks pero may gagawin pa ko Adrian. Next time mo na ko guluhin." Pagtataboy ko sa kanya.

Pero nakangiti pa rin ang loko. "Okay sige. See you later." Kinindatan pa ko bago umalis.

Nang makalayo na ito ay inabot ko kay Jane na nakatunganga pa din sa may gilid ang mga bulaklak. Sumimangot ito pagkakitang inaabot ko yun sa kanya.

"Again? Ayaw mo ba talaga kay Adrian?" Anito at kinuha ang bulaklak.

"No." Tipid na sagot ko.

Napailing ito. "Kung bakit pa kasi ikaw ang nagustuhan nun eh. Eh nauna niya naman ako nakilala. Kung ako lang ang niligawan nun naku sasagutin ko siya ora mismo." Sabi pa nito.

Ako naman ang napailing. Nauna kasing magtrabaho doon si Jane sa kanya at isa pa matanda naman kasi ito sa kanya ng dalawang taon. Halos magkasabayan lang ito at si Adrian ng makapasok doon. Naging kaibigan ko si Jane mula nung mag ojt ako doon. Doon ko nalaman na matagal na itong may gusto kay Adrian pero wala pa din daw epek ang pagpapapansin nito sa lalaki at ayun nga daw nadismaya ito nga ako ang niligawan ng lalaki pero hindi naman naging hadlang yun para hindi niya ako kaibiganin.

"Haay. Siguro mas gusto ng mga lalaki ang mga babaing pamysterios epek at mga hard to get kasi may challenge." Wala sa loob na sabi nito.

"Alam mo ikaw, kung ano ano pinag iisip mo dyan. Eh kung bumalik ka na kaya sa puwesto mo? Alas siyete na oh puro ka lalaki." Pagsita ko na naman sa kanya.

Napahagikgik ito. "Grabe ka naman kung maka 'puro lalaki' parang yun lagi ang iniisip ko ah!"

Natawa na din ako. "Bakit hindi ba? Naku Jane Dimasalang umalis ka na nga."

"Sus. Magko-crossword ka lang eh. Sige na nga babush!" Anito at umalis na.

Napapailing nalang ako. Itinabi ko na ang crossword at ini on nalang ang computer para umpisahan ng magtrabaho. Tahimik pa ang paligid at tanging pagtipa sa computer at tunog lang ng mga palakad lakad na empleyado ang maririnig ng mga sandaling yun ng tila maya maya ay nakakarinig na ako ng mga pinipigilang tili at mga buntong hininga kasabay ng mga katagang "Goodmorning Sir."

Alam ko na kapag ganoon na ang inaasta ng mga babae. Marahil ay nakarating na ang pinsan ko. Ganoon naman parati kapag dumadating ito. Pero parang kakaiba lang yata ngayon dahil parang dumoble ang mga nagbubuntong hininga.

Wala sa loob na lumingon ako. Saktong

malapit na ang pinsan ko sa puwesto ko at napansin nito na nakatingin ako kaya ngumiti ito at bumati.

"Goodmorning Jade." Anito.

"Goodmorning Sir." Sagot ko.

Napangiwi ito. Ayaw kasi nito na tinatawag ko siyang Sir dahil gusto nito na Kuya lang ang itawag ko pero gusto kong maging fair sa iba kaya tinatawag ko siyang Sir.

Lumagpas na ito ng mapansin ko na may dalawang lalaking nakasunod dito. Ito na marahil ang mga bago naming amo. Ang alam ko ay pinsan ni Kuya Zel ang isa doon pero hindi ko lang alam kung sino.

Nagkibit balikat nalang ako at umakto ng tatalikod at hindi na papansinin ang mga ito ng may biglang lumingon sakin at hindi ko sigurado kung nagtama ang aming mata dahil agad din itong nag iwas ng tingin.

Tinuloy ko na ang pagbalik ng tingin ko sa ginagawa ko at inabala ang sarili para sa mahabang oras na gugugulin ko sa pagtatrabaho.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon