Chapter 2: Isnabero

237 5 0
                                    

Chapter 2: Isnabero

"Jade, may ginagawa ka ba?" Tanong ni Mommy ng lumabas ito mula sa kitchen at ako lang ang nakitang nakatambay sa sala na nanonood ng tv.

Pagabi na ng mga sandaling yun at malamang ay nagluluto si Mommy sa kitchen. Ganitong oras kasi ito nagluluto. Nasa sala ako dahil ayokong marinig si Pearl na nakikipaglandian sa phone dahil kausap nito ang nobyong si Blaire. Ang iba niyang mga kapatid ay nasa sariling nga kwarto nito.

"Wala naman 'My, bakit po?"

"Ah pwede mo bang dalhin itong ulam kay Zel?" Sabi nito at may ipinakitang sisidlan.

Napakunot noo ako. "Bakit 'My, wala ba siyang ulam?" Tanong ko.

"Kuu batang to. Meron naman siguro. Yung paborito ng pinsan mo ang iniluto ko eh tsaka marami akong niluto kaya ito bibigyan ko siya."

"Pero gabi na 'My."

"May bisikleta naman dyan tsaka maliwanag pa, alas sais pa lang. Baka ayaw mo lang mautusan."

Lumabi ako. "Hindi naman sa ganun 'My. Akin na po ihahatid ko na." Sabi ko.

Hindi naman kasi sa ayoko, kaso ang alam ko may mga bisita si Kuya Zel eh. Nakakahiya naman tong ayos ko. Nakashorts lang ako tsaka naka tshirt lang. Tumayo nalang ako at kinuha ang sisidlan saka lumabas ng bahay. Nagpunta ako sa kinaroroonan ng bike at nilagay sa basket ang sisidlan.

Malapit lang naman kasi ang bahay ni Kuya Zel. Pero dahil pagabi na nga nagbike nalang ako kasi dumidilim na. Nagsimula na akong magpedal palabas ng bahay. Di pa lang nagtatagal mula ng lumipat si Kuya Zel ng bahay na nasa loob lang din ng village namin.

Nang makarating doon ay agad akong nagdoorbell. Dalawang beses pa bago may lumabas na babae at nagtungo sa gate. Maliwanag sa labas kaya kitang kita ko ang hitsura ng babae. Magkasingtangkad lang kami at marahil ay magkasing edad lang. Maganda ito. Sino kaya ito? Girlfriend ni Kuya Zel?

Nakangiti ang babae ng lumapit sakin. "Ano po yun?"

Ngumiti din ako. "Ah, may ibibigay lang ako kay Kuya Zel, pinsan niya ko si Jade." Sagot ko ng bumaba ako ng bisikleta.

"Ah, ako nga pala si Laurel. Halika pasok ka. Nasa loob sila." Anito at binuksan ang gate.

Pumasok ako akay akay ang bisikleta at iniwan lang yun sa labas ng bahay upang makapasok sa loob dala dala ko ang sisidlan. Nakita ko kaagad pagpasok ko ng bahay na nasa sala ang pinsan ko na may kasamang dalawang lalaki. Mukhang naglalaro sila sa harap ng malaking tv screen. Hindi ko lang alam kung ano ang nilalaro ng mga ito.

"Laurel sino yun?" Tanong ng isang lalaki na naka white na tshirt at pabala sa pagpindot ng kung ano man yun at nasa tv pa rin ang paningin.

"Ah, Kuya Zel, nandito pinsan mo. Jade daw ang name niya." Hindi pinansin ni Laurel ang nagsalita.

Napalingon si Kuya saka tumayo. Hindi naman kasi siya kasali sa naglalaro, nanonood lang siya. Lumapit siya sakin.

"Jade, naparito ka?" Tanong agad nito.

Ipinakita ko ang sisidlan ng ulam. "Pinabibigay ni mama."

Kinuha nito yun. "Pakisabi salamat. Syanga pala, siya si Laurel fiancee ng pinsan ko na si Drew. Laurel, pinsan ko nga pala si Jade." Pagpapakilala ni Kuya Zel saming dalawa.

Fiancee? Parang ang bata niya pa para magkaroon ng fiancee. But oh well its her decision.

Ngumiti si Laurel. "Nice to meet you Jade. Uhm, Kuya Zel, akin na yan. Ako na magdadala sa kitchen. Uh, pwedeng dito ka nalang magdinner Jade? Nagluto kasi ako." Alok nito.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon