Chapter 14: Love

153 4 0
                                    

Chapter 14: Love


Nang medyo gumabi na ay nagpaalam na akong umuwi. Ang akala ko si Kuya Zel ang maghahatid sakin pauwi pero nagulat ako ng si Luke ang sumama sakin paulabas. Nakita ko pa ng magngitian ang magkasintahang sina Laurel at Drew ganun din si Kuya Zel.

Nang nasa labas na kami ay agad na kaming sumakay sa bisikleta at nagpedal na ito. Gaya kanina ay sinamantala na naman niyang amuyin ang likod nito. Hehe..

"Jade?" Narinig kong tawag ni Luke.

Nahinto ako sa pagsinghot at nag angat ng tingin. "Bakit?"

"Wala lang. Yung kanta kanina. Pasensya ka na nakikanta ako. Si Laurel kasi pinilit ako." Hinging paumanhin nito.

Napasimangot ako. Bat siya nanghihingi ng despensa? Tss. Sa sinabi niya ay parang gusto nitong sabihin na wala namang something o meaning yung kanta o yung pagkanta niya with me. Haay naku. Kala ko pa naman..

"Naku wala yun. Kanta lang naman yun diba? Maganda ang boses mo ah. Bat hindi ka nagbanda o kaya nagsinger. Pag nagkataon pagkakaguluhan ka ng mga babae." Sabi ko.

Tumikhim ito. "Ayoko. Magulo yun eh. Kontento na ako sa tahimik na buhay."

"Kung sabagay." Tanging nasabi ko nalang. Minsan talaga kapag si Luke na ang kaharap at kasama ko nagiging wordless ako. Hehe. Yun bang parang wala ka ng masabi dahil nakokontento ka nalang na makasama at mapagmasdan siya.

"Uh, Jade.. Have you been in Love?" Pag iiba nito sa topic.

Medyo ikinagulat ko pa dahil love pa talaga ang naisipan nitong pag usapan. Ang alam ko pag broken hearted iniiwasang topic yun. So ibig sabihin nakamove on na siya?

"In love? Hindi pa eh." Dahil hindi pa naman ako sure kong mahal na ba kita. Ang alam ko gusto kita. Gusto ko sanang idugtong yun kaso baka matakot lang. O baka bigla akong iwasan pag nalamang gusto ko siya."Bakit mo naman naitanong? Ikaw na in love ka na ba?" Lakas loob kong tanong.

Huminga ito ng malalim. "Oo naman. Pero nasaktan lang naman ako. Kaya nga ngayon ayoko ng magmahal pa."

"Bakit, mapipigilan mo ba ang magmahal? Hindi naman di ba?" Hindi ko malaman kong sarili ko ba ang naririnig ko. Dati rati ako ang numero unong kumukontra ng tungkol sa love bakit ngayon nag iba na?

"Siguro nga hindi pero pwede namang iwasan diba? Habang maaga pa iwasan na." Seryosong sabi nito.

Napataas kilay ako. Pinaparinggan ba ko nito? Napansin kong nakahinto na pala kami at nasa may labas na kami ng bahay. Bumaba ako sa pagkakaangkas.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko.

Tumango ito. "Walang anuman."

Tumalikod na ako at binuksan ang gate. Papasok na sana ako ng bigla akong tinawag ni Luke at agad naman akong lumingon naghintay sa sasabihin niya.

"Goodnight." Yun lang at umalis na din ito.

Napatanaw nalang ako sa kanya habang papalayo. Medyo weird din pala yun. Napakibit balikat ako. Lahat naman may kaweirduhang tinatago eh. Pumasok na ako sa gate at bahagyang nagulat ng makita ko si Pearl sa labas ng bahay. Nakangisi ito ng nakakaloko.

"Ano bang ginagawa mo dyan Pearl? Nananakot ka ba?" Sita ko habang patuloy na naglalakad papasok ng bahay.

"Hindi naman ako nananakot as if naman matatakot ka?"

"Eh anong ginagawa mo dun?"

"Galing dito si Blaire eh. Kakaalis niya lang ng dumating ka naman. Sino yung naghatid sayo? Hindi ko nakita, narinig ko lang kayo." Pang uusisa nito. Sumabay na din itong maglakad sakin paakyat sa silid. Walang tao sa sala kaya dumiretso na kami sa pag akyat.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon