Chapter 27: Celebration

151 3 0
                                    

Chapter 27: Celebration

Pagkatapos akong ihatid ni Kuya ay agad na akong nagtungo sa office.

Medyo okupado ang isip ko kung sino yung nagtext. Hindi kasi nagreply nung tanungin ko kung sino. Baka wrong send lang yun.

Hindi na din nagreply si Luke kanina. Im wondering if nauna ako makarating o hindi. Medyo nabother din kasi ako sa text nito kanina. Parang nagtatampo? Pero bakit naman?

Dumiretso ako sa cubicle ko at himalang wala doon si Jane. Sinilip ko sa kabila pero wala din. Hindi pa nakakarating?

Nagkibit balikat nalang ako at naupo nalang pagkatapos kong mailapag ang mga dala ko. At dahil walang nang iistorbo sakin, nagsimula nalang akong magtrabaho. Hindi ko namalayan ang oras. Ni hindi ko alam kung dumating na ba sina Luke, o di kaya ay si Jane. Ganito talaga ako kapag seryosong nagtatrabaho.

Wala akong nagawang coffee for Luke for today. Kasi nga andun sina Mommy at Kuya. Paniguradong aasarin lang ako ng dalawa.

Kaya hindi na din ako nag abala kanina. Ramdam kong nagugutom na ko kaya malamang, tanghali na.

Nag inat ako saka tumingin sa relo. Quarter to twelve na.

Nagulat ako sa pagtayo ko at paglingon ng makita ko si Jane. Maging ito ay nagulat sa reaksyon ko. "Ano ba yan Jade, wag ka ngang nanggugulat dyan." Anitong nakahawak pa sa dibdib.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Excuse me? Ako pa nanggulat? Eh ikaw kaya ang biglang sumusulpot dyan." Pagtataray ko at nameywang.

Nagtaas din ito ng kilay. "At ano namang nakakagulat sa hitsura ko?"

Napakunot noo na ko. Ano namang pinagsasabi nito?

"Ano bang ginagawa mo dyan?" Tanong ko.

Umirap ito. "May nagpapabigay nito sayo." At iniabot ang isang paper bag.

Kinuha ko naman yun. "Sino?"

"Eh di ang prince charming mo. Duh?" She rolled her eyes.

"Sinong prince charming?" Takang tanong ko.

"Hello?? Sino pa ba ang nagbibigay ng lunch sayo? Diba si Sir Luke lang naman?"

Pinandilatan ko siya ng mata. Ang lakas kasi ng boses.

Napatakip naman agad ito sa bibig nito. Sabay peace sign. "Sorry."

-

-

-

"Wag ka na bumili ng lunch. Share nalang tayo. Pinadalhan kasi ako ni Kuya ng lunch. For sure madami na naman yun." Sabi ko kay Jane habang naglalakad kami papuntang canteen.

"Wow, ang swerte mo naman, daming nagbibigay ng foods sayo." Komento nito.

"Di naman."

"Hindi kaya ibully ka na naman ngayon?" Tanong nito ng madaanan namin ang grupo nila Adrian at Elaine.

"I don't know. Pero hayaan mo nalang sila kung anong gusto nila. Tss."

Naupo na kami sa isang bakanteng mesa at nagsimula ng kumain.

Kalagitnaan ng pagkain namin ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yun, pero ang nagregister dun ay yung unknown number kanina.

Sinagot ko yun. "Hello?" Bungad na bati ko.

[Phire-]

"Sunog? Sino ba to?" Iritang tanong ko. Anong fire pinagsasabi nito?

[Phire, si Tristan to, Look-]

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon