Chapter 23: Meeting

166 3 0
                                    

Chapter 23: Meeting


"Ang aga mo naman sumimangot dyan. Ano bang problema mo?" Tanong ni Pearl. Kakalapag lang nito sa cellphone nito. Alam kong si Blaire lang ang katext nito.

Nakaupo pa kami pareho sa mga kama namin. Magkahiwalay kasi kami ng higaan. Alas tres pa lang ng umaga ng mga sandaling yun. Maaga talaga kami gumigising lalo na pag workdays.

Hindi ko siya sinagot bagkus ay binalingan ang cellphone ko at tiningnan ang schedule ko for this day.

"Ano ba nangyari sa lakad nyo ni Lyon kahapon? Pagkauwi mo kasi ganyan ka na." Untag nito.

I scoffed. Naiinis na naman ako pag naaalala ko na naman ang pagsusuplado ni Luke kagabi. Di man lang ako hinayaang makapagsalita. Oo kay Lyon pa rin ako sasabay, pero sana pinakinggan nya muna yung sasabihin ko.

"Wala. Sige na, mag aayos na ko." Malamig na sagot ko saka tumayo.

Nakita kong umiling iling ito sabay dampot ng cellphone. Malamang ay itetext nito si Lyon.

Dumiretso na akong bathroom at nauna ng maligo.

Nang dumating ako ng office ay dala ko pa rin ang inis ko kaya hindi ako makausap ng matino ni Jane na kalaunan ay hinayaan nalang ako.

Tahimik kong ginagawa ang gagawin kong presentation para sa meeting ko bukas kay Mr. Tristan Alberts. May ari ng Walk Away modelling agency. Isa siya sa mga balak mag invest sa company nila Kuya Zel at ang balita ko ay magiging partner na ito sa kompanyang pinapatayo ng Daddy ni Drew dito sa Pilipinas.

Ginugol ko ang buong oras ko dun at di ko na pinansin ang pagdating ng mga boss namin. Boss, ibig sabihin kasama si Luke.

Pagdating ng lunch time as usual sabay kami ni Jane kumain. Panay ang tanong nito kung ano ang nangyayari sakin. Ipinagkibit balikat ko nalang yun at di sinasagot.

Maayos naman ang araw na yun at wala akong narinig kay Luke. At dahil dun, mas lalo akong nainis. Bahala sya sa buhay niya.

Iniisip ko kung sasama pa ba ako kay Kuya Alex dun sa event na pupuntahan namin. Actually birthday daw yun ng kakilala nito. Invited ito at si Kuya Topaz, but since he's not here, ako ang pinapapunta nito. Sa aming lahat na magkakapatid, ako pa talaga na anti-social ang piniling isama. Tss.

Nang sumunod na araw ay maaga akong naghanda para sa meeting. Lunch gagawin yun at ang kasama ko ay si Drew at yung isang senior executive na babae na hindi ko maalala ang pangalan.

Sabay sabay dapat kaming pupunta ngayon. Kaming dalawa maliban kay Drew ay sa service ng kompanya sasakay. Naghintay kami sa tapat ng building ng humito doon ang kotse ni Luke. Napataas kilay ako. Anong ginagawa ng isang ito dito?

Binaba nito ang bintana ng sasakyan at tumingin sa amin. Nakangiti. Tss. Di mo ko madadaan sa ngiti. Binati ito ng kasama ko.

"Hi Sir Luke!" Pacute ang boses.

Nilingon ko siya at palihim na hinead to foot. Hindi naman cute. Mas matanda pa to samin eh. Umirap ako. Nahuli kong nakatitig sakin si Luke. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Busy ang mga service. Hatid ko na kayo, dun na rin ako maglalunch." Sabi nito samin.

Paano naman nito nasabi na busy ang mga service? Kakatext pa nga lang ng driver na papunta na ito. Kinuha ko ang cellphone para iconfirm kung totoo bang busy ito at nakita kong may narecieve akong text. Galing sa driver. Hindi daw makakahatid samin dahil naflat ang gulong. Sinabi pa nitong nag alok daw si Sir Luke ng ipinaalam nito yun sa taas.

Napasimangot ako. "We can take taxi Sir." Sabi ko.

Umiling ito. "No. Hatid ko na kayo. Come on." Giit nito.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon