Chapter 20: Kiss

156 3 0
                                    

Chapter 20: Kiss



Nagpunta kami sa silid na inuukopa ni Laurel. Medyo malaki yun unlike sa room namin ni Pearl. Kung sabagay, paanong luluwag dun eh dalawa kaming umuukopa nun. Nauna ito sa loob at naupo sa kama nito. Pinagpag nito ang sa tabi nito tanda na doon ako pinapaupo. Naupo naman ako.

"Alam mo Ate Jade, natutuwa talaga ako na nakilala kita." Nakangiting sabi nito sa akin, may unan na nakalagay sa lap nito. Kumuha din ako at ginaya ito.

"Ako din naman. Parang mas nagkaroon ako ng nakababatang kapatid. Kami kasi ang bunso ni Pearl." Sabi ko naman sa kanya.

"Nakakainggit talaga kayo. Kasi bukod sa madami kayong magkakapatid eh nakakasama niyo naman ang parents niyo." May himig ng lungkot ang boses nito.

"May tampo ka ba sa parents niyo?"

Niyakap ni Laurel ang unan ng mahigpit. "Medyo. Hindi kasi namin sila nakakasama ni Kuya ng madalas. Abala sila sa trabaho nila. Hindi nila maiwan yun. Oo naiintindihan ko na para samin yun pero kailangan din naman namin sila. Mabuti nalang at responsable namang kapatid si Kuya. Hindi niya ako pinabayaan. Kaya ngayong ako naman ang kailangan ni Kuya, tutulungan ko siya." Pahayag nito.

Napatitig ako sa kanya. Bilib ako sa kanila ni Luke. Dahil nakaya ng mga ito ang mamuhay kahit na malayo ang mga magulang nito. Higit kay Luke dahil nakaya nitong tumayong guardian ng kapatid nito.

"Swerte ka sa Kuya mo." Komento ko.

Tumango ito. "Oo naman. At maswerte rin ang babaeng magmamahal kay Kuya ng tapat. Hmm. Ikaw Ate Jade, ano ang tingin mo kay Kuya?" Baling nito sakin.

Maang akong napatingin sa kanya. "What do you mean?"

Humagikhik ito. "Ano kasi Ate Jade, ewan ko lang kong imagination ko lang o ano, pero nararamdaman ko kasi na parang may gusto ka kay kuya. Dont get me wrong Ate ha. Feeling ko lang naman yun." Anito.

Napaisip ako. Kung napansin yun ni Laurel ay baka sobrang obvious na ako kay Luke? Hindi naman siguro. Baka women's instinct lang yun. Ganun naman ang mga babae di ba? Napatingin ako sa kanya. Tama bang sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko sa Kuya niya? Hindi lingid sa kaalaman ko na minamatch make niya kami ni Luke. Baka lumala pa iyon at baka malaman pa ni Luke ang feelings ko for him.

Marahan ko siyang tinawanan. "Ikaw talaga. Alam kong minamatch make mo kami ng Kuya mo. Hindi kaya mas mabuting hayaan nalang muna natin siya?" Sabi ko.

Namula ang pisngi nito. "It's just that i want him to be really happy at para makalimutan niya na si Belle. At nakikita ko kasi na unti unti siyang nagbabago mula ng makilala ka niya at maging kaibigan." Malungkot na pahayag nito.

Tinapik ko ang kamay niya at kinuha. "Wala namang masama sa gusto mong mangyari Laurel. Ang sakin lang ay baka mapressure siya at magkamali pa. Alam kong alam ng kuya mo itong pagmamatch make mo sa'min." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Bumuntong hininga ito. "Tama ka Ate. Pero.." She trailed off. Mukhang nag aalangan sa gustong sabihin.

Binigyan ko siya ng tingin na nag uudyok para magpatuloy ito.

Tumingin ito ng diretso sa mga mata ko. "I like you for my Kuya. May.. May chance ba na maiinlove ka sa kanya?" Tanong nito.

Napanguso ako para magpigil ng ngiti. Kung alam mo lang Laurel. Mahal ko na ang Kuya mo. At willing akong mahalin siya kahit di niya ako kayang mahalin. I love him unconditionally.

"Yan ang di natin masasabi. Life is full of uncertains and surprises. Malay natin hindi ba? Mukhang hindi naman mahirap mahalin ang kuya mo." Sabi ko ng nakangiti.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon