Chapter 22: What's His Problem?

171 3 0
                                    

Chapter 22: What's His Problem?

Nang matapos ang movie ay agad na kaming lumabas. Balak ko ng pumunta sa isang boutique para pumili at bumili ng dress kaya nagpaalam ako kina Laurel.

"Pwede bang sumama kami? Titingin tingin na rin kami." Bulalas ni Laurel.

"Oo nga naman, para makahingi ka na rin ng opinyon ng isang babae." Ani Lyon.

Tama ito. Kakailanganin ko ng opinyon ng isang babae. Hindi kasi ako masyadong marunong mamili ng dresses. Magkasama kami palagi ni Pearl noon kapag namimili.

Naghanap kami ng stall na may mga dresses. Nang pumasok kami sa isa, ay halos di na maiwan ng titig ng mga babae ang mga lalaking kasama namin. Wala naman kasing itulak kabigin sa mga ito. Kasama ni Laurel si Drew at si Lyon naman ay sakin nakadikit. Nagmukha tuloy na chaperon namin si Luke.

Nagtataka tuloy ako kung bakit magkasama ang tatlo kasi nagmumukhang third wheel si Luke ng dalawa.

Sinusundan lang ni Lyon ng tingin ang pamimili ko ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya yun at nag excuse sakin para sagutin ang tawag.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ng may tumabi sakin. Pag angat ko ng tingin ay si Luke ang nakita ko. Nakasimangot pa rin ito.

"What's your problem? Meron ba?" Tanong ko.

"Don't mind me." Turan nito.

Napakunot noo ako at itinigil ang ginagawa saka pinagmasdan ito na siyang pumalit sa pag uukay dun sa rack.

"Badtrip ka ba kasi sinama ka ng dalawa?" Tanong ko na di siya nilulubayan ng tingin.

"Of course not. We usually do this kaya im used to it." Sagot nito.

"Ano ba meron bakit ganyan ka? Parang kakaiba. Galit ka ba sakin?"

Hindi pa rin ito tumitingin sakin. "Hindi ako galit sayo." Sagot nito. "Para san ba tong damit?" Pag iiba nito sa usapan. May kinuha itong isang halter top na kulay lavender na dress.

"Para sa isang event. Isasama kasi ako ng Kuya ko." Sagot ko nalang.

Sinipat sipat nito ang damit at ibinigay sakin. Nagtatakang kinuha ko yun.

"Try mo. Mukhang bagay sayo." Sabi nito.

Tiningnan ko ang damit, mukhang kasya naman sakin. Pero kailangan ko ay royal blue na damit.

"Huh? Pero kasi ang kailangan ko ay royal blue na kulay."

"Ganun ba? Try mo nalang din yan. Babayaran ko pag nakita ko na bumagay sayo." Balewalang sabi nito.

Naguguluhan ako sa mga sinabi nito. Nagtawag ito ng isang saleslady at di na ko nakaangal pa. Bago pa ko makaalis ay nakita kong pabalik na si Lyon at nakatingin sakin. Ipinakita ko ang damit at nakuha na nito ang gusto kong iparating dahil tumango ito. Sumunod naman si Luke samin na binabaybay ang daan patungong fitting room.

Pumasok ako at agad na sinuot yung damit. Medyo maiksi lang siya para sakin. Actually above the knee lang naman ng konti, pero para sakin maiksi na yun. Hindi ako sanay sa ganun. Nag aalangan tuloy ako kung lalabas ba ako para ipakita yun. Ang pangit pa kasi suot ko pa ang sneakers ko. Napapitlag pa ako ng may kumatok.

"Jade may problema ba dyan?" Boses ni Luke.

Tumikhim ako. "Wala naman. Wait lang, sandali lang." Sagot ko.

Dali dali kong hinubad ang sapatos ko at itinabi. Huminga ako ng malalim. Para akong mag auaudition sa nangyayari. Yun bang para akong haharap sa judges sa the voice at isa akong contestant na umabot sa live shows.

Jewel Siblings: Jade Raven: If You'll Just Realize (#3) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon