She is Selfless

693 39 3
                                    

33. Just A Little More

...

Nagpalakpakan ang mga tao habang unti-unting sumasara ang kurtina. Sa muling pagbubukas ng kurtina ay nakahilera na ang mga cast ng play at isa isang pumunta ng gitna upang yumuko. They recieved praises and compliments from the audience, well they deserve it anyway. That was an astounding stage play.

I glanced at the person seated next to me. Simula nang pumasok kami ng auditorium walang pagbabago sa kanyang mukha. The curiosity, bit of excitement, and confusion are still there.

"They did great" she complimented. 

"Yeah" wala sa sariling sagot ko.

We stayed in our seat, pinapaunang lumabas ang iba. Sandaling binalot kami ng katahimikan at ako na ang kusang bumasag nito.

"You don't look satisfied" sabi ko habang nasa stage ang tingin.

"It's not like that" sambit nya at ramdam ko ang biglang pagsulyap niya.

"Ilan beses ko na kasi itong napanood"

I frowned. She is really hard to understand.

"What's the point of watching it again?"

"Nagbabakasaling masagot ang tanong ko. I still don't understand why Hamlet chose to obey his late father. Was it because of too much love for his parent? Was it pride? Madness? He lost everything yet he didn't stop. Why? I don't understand"

Nakatitig lang ako sa kanya. I don't understand you too.

"Hamlet freak" ang katagang tanging lumabas sa bibig ko.

Narinig kong mahina itong tumawa. Napapailing na binalik ko ang tingin sa harap. I followed Kyna's advice. We really should talk about the past.

Sinamahan ko syang manood ng play dahil gusto muna niyang itong mapanood. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin ang dahilan ng pagkahumaling niya dito.

"Shall we eat first?" tanong nya saka tumayo.

Dinala nya ako sa open area type na resto, marami-rami rin ang mga kumakain dito. May lumapit sa table namin na waitress at kinuha ang order namin. Napayakap ako sa sarili ko ng biglang umihip ang malakas na hangin. May kadiliman ang panahon ngayon dahil sa parating na bagyo. Nagitla ako nang biglang siyang tumayo bago hinubad ang suot na jacket at walang sabing pinatong sa balikat ko. Aalisin ko sana ito para ibalik sa kanya nang muling humangin ng malakas kaya wala akong nagawa kundi ang mapayakap dito ng mahigpit. Ano bang pumasok sa isip ko para magsuot ng sleeveless top?

"You should try their steak. Hindi sya kagaya ng nabibili mo sa mamahaling restaurant but they tastes really good" nakangiting saad nya na bahagyang nakapagpatigil sakin.

"Here. Try this" dagdag nya.

Mukhang natauhan siya sa kanyang ginawa kaya agad din niyang binawi ang kamay.

Honestly, I'm not used with this new version of her, her sweet gestures that I never imagined even in my wildest dream before.

I fake a coughed before I said. "It will take some time if I order one"

"Right" she replied and sheepishly smiled, the sudden redness of her cheeks is noticable.

I bit the side of my cheeks when I feel something in my stomach. Maybe because of the food. Hell yeah. I'm so bad at convincing myself.

"Hindi ka ba babalik sa bahay nyo?"

"Mas malapit ang condo ko sa opisina, less hassle"

Hindi ko alam kung bakit ako nagsinungaling. Mukhang wala rin naman siyang alam sa paguusap namin ni ate.

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon