The Girlfriend

674 39 1
                                    

15. Just A Little More

...

Nasa labas kami ng isang room habang hinihintay si Mark. Pagkatapos ng debate competition ay napagpasyahan naming hintayin ito sa labas ng kanilang venue. Festival of talent is an annual event in Greenland University. Nagiimbita sila ng mga estudyante mula sa sa iba't ibang paaralan, public and private. It composed of hundreds of different individual, dual, and team competition. GU is big enough to facilitates such kind of event. Walang sapat na pondo ang paaralan namin para magpadala ng mga estudyante para makilahok. Swerte lang namin apat dahil personal kaming naimbitahan ng staff ng university, sinagot nila ang gastos papunta dito.

"Nasaan si ma'am Silva?" tanong ni Ally.

"Chinecheck nya yung lists ng magpapatuloy sa next round sa debate, bilin nya na dito lang tayo at hintayin si Mark" Belle answered.

"Hindi ko maimagine kung sakaling palarin tayong magchampion, biruin mo scholarship ang premyo bukod sa cash prize"

"That's a little impossible" mahinang sambit ko.

I have confidence in our group but I know our limitations.

"Napaka nega mo, Re"

Hindi ko inaasahang maririnig nila yun. Hindi na ako umimik pa at maya-maya ay lumabas na rin si Mark na mukhang stress.

"Kamusta, Salvador. Panalo ka ba?" agarang tanong ni Ally.

"Hindi ko alam, mamaya pa iaannounce ang results pero mukhang malabo"

Art is Mark's expertise, lagi syang nagwawagi sa mga regional competitions pero this one is a reality to him na lagi may mas magaling sayo.

"Kung ano man ang makukuha natin ang mahalaga we try our best diba?" pampagaan ni Bell.

"Sabagay saka free tour na to sa GU di na lugi" sang ayon ni Ally.

They all smiled at the thought. Nasa byahe palang kami ay ito ang topic nila, kung paano lilibutin ang GU sa isang araw.

"Re? Shan's girlfriend right?" sambit ng isang lalaki na lumapit samin.

"Mygod apam, sino yan Re? Pakilala moko dali" bulong ni Ally.

"I'm Zack, do you remember me?"

The guy in the party. I nodded as answer.

"That's great. Are you here to support Shan by chance?" muling tanong nito.

"Nandito si Shan?" si Ally ang sumagot.

"Yes, she's participating in some research defense. Kakasimula pa lang, nandoon na yung iba kong kasama, manonood ba kayo?"

"Oo, ako nga pala si Ally, tas ito si Bell at Mark"

"Nice to meet you"

I don't know how it happened that I'm following them. We stopped in front of a glass window. Mula sa pwesto namin ay kita namin ang nangyayaring panel defense sa ibaba. Gaya ng sabi ni Zack si Shan ang kasalukuyang nagpepresenta.

"Cole is not here, galit pa rin kasi Shan sa kanya" pagbibigay alam ni Zack.

Nakinig lang ako. Hindi ko din naman alam ang dapat kong sabihin.

Binati kami ng mga kasama nya, nagpalitan sila ng pangalan and instantly they clicked.

"Wow Re umiimprove ka na ha, talagang pumunta ka pa dito para icheer si Shan" pang-aasar ng bagong dating na si Alexa.

Hindi ko alam bakit ganun ang tingin nilang lahat. Hindi ko naman alam na nandito sila.

Hindi ko sila pinansin at tinuon ang atensyon sa baba. Shan is standing in front of the panelists in her formal attire. She looks serious and firm, her presence speaks gracefulness. I actually never appreciate her physical attributes before, so why now?

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon