One Treat

579 41 2
                                    

26. Just A Little More

...

Kinabukasan ay gumaling rin agad ako, sa bagay sino ba naman ang hindi gagaling kapag naoverdose ka sa sermon ni ate Fiona.

"Good morning, everyone! I'm back" I half-yelled nang makapasok ako.

"Talaga? Bakit?" nagtatakang tanong ni Samuel.

"Sure ka ba, Re? Baka mabinat ka"

"Dapat nagpahinga ka muna"

Matutuwa na sana ako dahil sa mga tanong nila pero sa klase ng pagtatanong nila hindi naman halatang napipilitan lang sila.

"Hindi naman halata guys na ayaw nyo akong makita"

"Syempre masaya kaming makita ka pero kahapon buong araw na tahimik ang department at narealize namin na mas masarap pagpayapa dito"

"Kuya Brian naman" I pouted.

"Huwag ka nga dyang ngumuso at dahil nandito ka na simulan mo na yung nakatambak mong trabaho" si ate Kyla.

"You guys are mean, nahawaan na ata kayo nang pinaglihi sa sili nating head"

Natahimik sila na ikinapagtaka ko, nasa direksyon ko ang tingin nila at nang maramdaman ko na may taong nakatayo sa likod ko ay napaikot ako. Walang hiya, ito na naman ang kaba ko.

"G-goodmorning, ma'am" muntik na akong magkandautal-utal bagaman ay nagawa ko pa ding ngumiti ng malapad.

Hindi ito sumagot at dire-diretsong pumasok sa kanyang office. Nakahinga naman ako ng maluwag sa hindi malamang dahilan. Sinamaan ko ng tingin si Samuel nang tumawa ito.

"Laughtrip ka, Re. Akala ko tuluyan ka nang magpapaalam samin"

"At talagang masaya ka kapag pinaalis ako" sambit ko at naupo saking station.

"Of course not. I mean lahat manghihinayang kapag nawala ka sa team. Para ka ngang hindi baguhan kung magtrabaho. We're in the same age, I'm a regular and you're a trainee pero mas magaling ka sakin sa totoo lang. Kaya nga nagtataka ako bakit hindi ka pa nakakagraduate, sa talino mong yan imposibleng dahil bumabagsak ka"

"Huminto ako ng dalawang taon after highschool" I muttered.

"Why?" he asked curiously

Hindi daw tsismoso amp.

"Wala lang, hindi pa siguro ako ready sa college that time"

"How come? Sa talino mong yan hindi ka ready?"

"I'm not sure kung anong haharapin ko sa college"

"I don't get it" naguguluhang aniya na ikinatawa ko.

"Ang tsismoso mo" pang-aasar ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.






Isang araw lang ako nawala pero bakit parang isang linggo naman ang naiwan kong gawain. Parang tuloy gusto ko na lang magkasakit ulit. I need someone to save me from the flood of my job.

"Mimi"

From nowhere a cute little angel run towards me. Napawi ang pagod at masayang kong sinalubong ang aking munting tagapagligtas.

"I'm sorry, Re, she really wants to see you" napatingin naman ako kay ate Ina.

"Nah, she actually save me from dying dahil sa tambak kong trabaho" nakangiting turan ko at binuhat si Sophia.

"We're actually here for Gillian but when she heard that you're here nangulit na makita ka" natatawang sambit nya.

"Nandito si kuya Zandro?"

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon