She's Finally Free?

757 35 0
                                    

39. Just A Little More

...

Binalik ko ang tingin sa harap nang bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang isang prof. Nagsimula itong magsalita na sinabayan ng ilang estudyante. Umingay ang paligid. I noticed that my hands are trembling, I still not used in this kind of noise. Napayuko na lang ako at inayos ang hood na suot para mas itago ang sarili sa kwartong ito.

Tatlong buwan na ang nakakaraan ng simula akong manirahan kasama ang mga taong minsang kinasuklaman ko. Maayos ang turing nila sakin. Binibigay nila ang mga pangangailan ko at sobra sobra pa ito.

I realized something after meeting that kid. Pero bago ang lahat gusto kong bumalik sa dati. Hiniling ko kay Sandra na bumalik sa pag-aaral. Sa una ay hindi siya sang-ayon sa kagustuhan ko pero sa huli ay pinahintulutan din niya ako.

Tuwing may nakakasalamuha akong ibang tao ay nagkakagulo ang isip ko. Nababalot ako ng takot. In my first day of school, I faint after I saw people in crowds.

Napaangat ang tingin ko nang may naglapag ng papel sa mesa ko. Ngumiti ang babae sa harap ko, sa kanya ito galing. Nagsalita ito pero hindi ko pinansin at pinagtuonan na lamang ang testpaper.

Mabilis kong natapos sagutan ang exam, pagkatapos kong iabot sa prof ay agad akong lumbas ng classroom.

Inayos ko ang hood habang nakayukong naglalakad sa hallway.

"Hey?"

Napatitig ako sa elevator habang hinihintay itong umangat.

"Reyve"

"Hey--

Marahas kong inalis ang kamay na biglang pumatong sa balikat ko. Nanginginig na napaatras ako.

"I'm sorry. Hindi ka kasi lumilingon kanina pa kita tinatawag" sambit nito.

Hindi ako sumagot at muling binalik ang tingin sa elevator.

"Naiwan mo" aniya.

Napatingin ako sa nasa kamay nya. Hawak nito ang Id ko. Kinuha ko ito nang walang sinasabi.

"Are you mute?"

"You see. Palagi kitang napapansin, wala kang kinakausap hindi ko pa nga rin naririnig ang boses mo"

Kinalma ko ang sarili at pilit na binabalewala ang taong ito. Hindi ito ang unang beses na kausapin nya ako. Nakakaramdam na ako ng inis dahil hindi ako nito tinitigilan.

Bumukas ang elevator, pumasok ako at ganun din sya. Nagpapasalamat ako at walang tao maliban samin.

"Ganyan ka ba talaga? Pupunta ka ba ng cafeteria? Sabay na tayo"

"Stop talking to me" mahinang saad ko.

Nakita ko sa repleksyon sa salamin ng elevator kung paano nanlaki ang mata nito sa gulat. Napaatras ako ng bigla itong sumigaw.

"Finally!" she exclaimed. "You talk to me"

Nagsalubong ang kilay ko nang hindi ito tumigil. Dirediretso itong nagsalita muli. What the hell is wrong with her? She's annoying.

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon