She is Captured

692 43 2
                                    

34. Just A Little More

...

After hearing everything from Reyve I lost my ability to think. I don't know how long we cried, I just got back to my senses when she passed out after crying so hard.

Kanina pa ako nakapark sa harap ng bahay pero hindi ko pa rin mahanap ang lakas para gumalaw. I drove here with unstable state of mind. I stared at the person next to me. She's sleeping with tears flowing down on her cheeks. And I found myself crying again.

I want to blame her because it's still unreasonable for me, but I can't.

She suffered too.

Kinuha ko ang cellphone at tinawagan si ate. After few seconds ay lumabas sya ng bahay at nilapitan ang sasakyan. Binuhat ni kuya Kris si Re hanggang sa maiwan si ate sa labas.

Binuhay ko ang sasakyan pero bago ko paandarin ay tumingin ako sa kanya.

"I'm sorry" the only words that came out from her.

Naramdaman ko na naman ang pamamasa ng pisngi ko. Umiling ako at pinaandar ang sasakyan palayo.


Napahawak ako sa pader upang kumuha ng suporta dahil ano mang oras ay bibigay ang katawan ko. Bumukas ang pinto at niluwa nito si Alexa. Walang sabing napayakap ako sa kanya at doon umiyak na parang walang bukas.

Nagising ako sa sobrang sakit ng ulo. Agad na dumapo ang mata ko sa taong pumasok ng kwarto. Si Alexa na may dalang isang baso ng tubig at gamot.

"Thanks" namamaos na anas ko.

Kinuha nya ang baso matapos kong uminom at pinagkatitigan ako.

"How are you feeling?"

"Worst" I honestly answered.

"Just take a rest"

Lumabas siya ng kwarto kaya bumalik ako sa pagkakahiga, nakatakip ang braso saking mata at nakatulugan ang pagiyak.

Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko mula sa labas. Para maibsan ang bigat at init ng katawan ay napagpasyahan kong magshower.

Natagpuan ko sila Kyna at Pia sa living area nitong penthouse ni Alexa. Lumabas mula sa kusina si Alexa na dala dalang bote ng maiinom.

"We heard what happened" maingat na saad ni Pia.

I didn't answer. I busied myself in drinking.

"Shan? How are you?"

"Don't ask stupid questions, Pia!" I irritatedly retorted.

"Okay I'm sorry"

"So, you two are half-sisters?" tanong ni Kyna.

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa bote. I clenched my teeth out of annoyance.

"Of course we're not!" I said and drunk the remaining content of my liquor.

Their questioning gazes bore at me.

"I'm not a real Villa Gracia"

"We don't understand" naguguluhang turan ni Alexa.

"I'm adopted" walang ganang sabi ko.

"Mom has a twin sister and she's my biological mother. Me and ate Sandra's biological mother" pagtatama ko.

Mukhang nagulat silang tatlo sa narinig. I never told this to them before because this is the dirt of our family.

"Dad and my biological mother had an affair and ate Sandra was the product of that. To hide the scandal of our family they sent my biological mother to other country with ate Sandra. Of course she's furious dahil bakit sya ang kailangang ipatapon para mapagtakpan ang pagtataksil nila. Everything went well though for them but something happened. She was raped and that's why I exist" I sarcastically added.

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon