One Playfulness

560 41 4
                                    

25. Just A Little More

...

"Pang-ilang araw mo na tong overtime Re" saad ni Samuel.

Pauwi na sila habang nagpapaiwan naman ako.

"Dahil ba to sa proposal? Don't overwork yourself baka magkasakit ka" may pag-aalalang bulalas ni kuya Clover.

Isang ngiti lang ang sinagot ko. This past few days yun ang inaatupag namin, revising the proposal na nireject ni Shan. Hindi ko din pinapaalam na yun ang dahilan ng ilang araw kong pagoovertime, pero mukha namang obvious. Sa totoo lang nag-aalala ako, we only have two days left pero halos wala pa ding progress. We need something na makakapick ng interest nya, it's hard dahil nga sobrang taas ng standards nya.

"Argh what the hell is wrong with you"

Sa inis ko nahampas ko ang monitor, bakit ngayon pa ito nagloko? Damn it. The situation is frustrating me.

Kapag hindi ko to nagawan ng paraan hindi lang grade ko ang inaalala ko. And it's also not just a simple losing my face to Shan.

C'mon Reyve go back to your senses. You can do better than this. I can't let the frustration reign on me. I took a deep breath.

Muntik na akong mapatalon nang makarinig ako ng yabag. Luminga linga ako pero wala namang tao. Kinilabutan ako nang umihip ang malamig na hangin kahit closed area naman ang aming department.

"Sino yan?" I half shouted.

Walang sumagot pero dinig ko ang paggalaw ng isang upuan. Wait hindi ba puro swivel chair ang meron dito.

The hell? Bakit walang nagsabi sakin na hunted tong department? Pero wala namang ganito nung nakaraang mga araw. Mukhang kailangan ko na talagang matulog, kung ano ano tuloy naiimagine ko.

"Holy shit!"

"You damn creepy ghost if I we're you babalik ako sa underworld"

Pakiramdam ko pinagpapawisan ako habang nagpipigil ng hininga.

"Aren't you too old to be scared and believe on such things"

Nakahinga ako ng maluwag nang makita si Shan, nanghihinang napasandal ako.

"It's better kaysa naman sa kapwa tao ka matakot" bulong ko sa hangin. "Ano palang ginagawa mo dito?"

"Am I not allowed to be here?" mataray na balik tanong nito.

Nagtatanong lang naman eh. Sungit. Psh akala mo hindi minahal.

"Anong sabi mo?" salubong na kilay na anas nito.

"Sabi ko maganda ka sana kaso--

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil feel ko hindi ako makakalabas ng buhay pag may mali akong nasabi.

"Tss nonsense" she muttered and turned her back on me.

"Saan ka pupunta?"

"It's none of your business" malamig na turan nito.

"Are you really that cold hearted boss na iiwan ang employee after she got attack by a ghost?"

"What the hell are you saying?"

Gusto kong matawa dahil hindi maipinta ang kanyang mukha sa inis. She's improving ha, she's starting to show emotions na.

"I mean your employee almost got a heart attack tapos iiwan mo lang, what if the ghost comeback?"

"There's no such thing, Ms. Gonzon. Pwede bang tumayo ka na dyan at umuwi ka na"

"I can't. I'm still working"

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon