One Swift Changes

562 33 0
                                    

22. Just A Little More

...

Napaangat ako ng ulo nang may humila ng earphones mula saking tainga. Sinamaan ko ng tingin si Tyron na syang salarin pero ang mokong nagpeace sign lang.

"Bakit ba kung saan saan ka na lang natutulog?" sita ni Amie mula sa gilid nya.

Nasa mini park kami ngayon ng university. Hindi naman ako natutulog.

"As you can see I'm not sleeping?"

"Pero ilang minuto lang makakatulog ka na. Stop that habit of yours"

Kita mo kung makaasta tong si Amie dinaig pa si madam.

"Bakit ba kasi ang tagal nyo nagugutom na ako?" pagbabago ko ng usapan, baka hindi na naman kasi ako tantanan nyan. Nakakarindi kaya.

"Ewan ko dito kay Amie late nang pumasok kaya late rin namin natapos yung activity ni sir Pascual napagalitan pa kami"

"Ngayon kami naglipat ng gamit ng pinsan ko saka sinabi ko naman sayo yun ah"

Bago pa magsimula sila ng pagbabangayan ay sumingit na ako.

"Gutom na ako, baka gusto nyo na akong pakainin" sarkastikong sabat ko.

"At dahil kasalanan ni Amie kung bakit late na tayo makakapaglunch dapat lang na ilibre nya tayo"

"Walang hiya naisingit pa talaga yun. Kuripot na intsik" pabulong na sabi ni Amie, pero mukha namang hindi yun pabulong sa lakas ng boses nya.

"Oo na tara na"

Nagliwanag naman ang mata ni Tyron sa narinig. Mukha talaga syang libre. Tumayo na ako at nagsimula na kami maglakad palabas ng university. Mas madalas kaming kumain sa labas dahil malaginto ang presyo ng pagkain sa cafeteria. Sasakyan ni Amie ang ginamit namin dahil tinatamad daw magdrive si Tyron, nag-agawan pa nga kaming dalawa sa backseat. I stick out my tongue at him nang maunahan ko sya. Nahiga ako sa likod at kinalikot ang phone ko.

"Napapayag mo ba si madaam?" tanong ni Ty kaya napaayos ako ng upo.

"Guess what?"

"Syempre hindi"

Napasimangot ako nang sabay silang tumawa. Edi sila na ang masaya.

"I agree din naman sa kanya. I mean wala akong tiwalang kaya mong mag-isa" natatawang dagdag ni Amie.

"Nakalimutan mo na bang magisa lang ako sa apartment?" sarkastikong anas ko.

Anong akala nya sa akin bata? Tss.

"Magisa ka nga pero halos araw araw ka namang dalawin pffft" once again they burst out laughing.

Napanguso ako. Para namang kasalanan ko yun. Hindi na ako muling magsalita dahil pagkakatuwaan lang nila ako. Kailangan ko atang alalahanin kung paano ko sila naging kaibigan.

Nang huminto ang sasakyan ay nauna akong lumabas.

"Wow kailan ka pa naging galante, Hernandez?" manghang tanong ni Tyron.

Dinala nya kami sa cafe slash restaurant lang naman. Kadalasan sa mga fast food lang kami kumakain kahit na mga anak mayaman tong kasama ko.

"Hindi naman ako magbabayad, I told my cousin I will bring you guys here at sya na ang bahala dahil kanila naman to"

"What's your cousin's name?" tanong ko.

"Pia and you can guess the surname"

"So pagmamay-ari nya to?" singit ni Tyron.

Just A Little MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon