Kabanata 29

4.6K 97 9
                                    

Mabilisan kong pinunasan ang luhang dumalisdis sa pisngi at huminga ng malalim saka ipinagpatuloy ang paglalakad pauwi. Nais ko sanang magtricycle o taxi man lang kaso walang laman ang wallet ko kahit ni singkong duling. Hindi na ako nakaabot sa sweldo sa kumpanya, wala na akong koneksyon sa kanila.


Nakakatawa, ano? Parang kahapon lang, ang saya saya. Ang saya saya ko. Ang saya saya namin dalawa tapos biglang nagkaganito... sa lahat ng sakit na naramdaman ko, ngayon lang ako nadurog nang todo.


Palagi nalang bang ganito? Kung hindi ka iiwan ay ikaw naman ang mang-iiwan?


Ako na naman ang mang iiwan at ako na naman ang aalis. Pero ang pinakamasakit rito ay siya na mismo ang gustong umalis ako't iwan sya.


Marahil ay hindi talaga siya ang prince charming ko.


Siguro, isa lang siyang prince villain na tinuruan akong magmahal para sa susunod na prinsipeng aking mamahalin. Sa tunay na prinsipeng para sa akin.


Ramdam ko ang pananakit ng mga binti at hita ko dahil sa paglalakad mula sa mansyon hanggang sa bahay namin. Nabawasan naman ng kaunti ang aking pagod nang matanaw ko na iyon ngunit ang emosyonal na sakit ay nananatili parin at hindi na yata mawawala pa.


Sa bawat paghakbang ko palapit sa nakasanayan kong tirahan sa buong buhay ko ay mas lalo ko lang napagtanto ang agwat at layo ng aming mga buhay. Isa na roon ang katotohanan na hindi pala talaga kami bagay sa isa't isa..


"Nay..." kumatok ako sa pinto. Nakasarado pa ito kaya marahil ay tulog pa si nanay o umalis para mamili nang harina.


Biglang kumalam ang aking tyan. Bumuntong hininga ako. Hindi pa nga pala ako nakakapag almusal. Nakakawala ng gana lalo na kapag naaalala ko kung paano at kung saan natapos ang lahat sa aming dalawa.


Nagitla ako nang bumukas ang pintuan at nasa harapan ko na ang aking nanay. Pinunasan ko parin ang butil ng luhang tumulo sa pisngi kahit na nakita na nya iyon. Mula sa nag aalalang matang nakatingin sa akin ay bumaba iyon sa mga dala ko. Umawang ang labi nya nang agad na mapagtanto kung bakit ako narito at hindi ko na napigilan pa na yakapin sya kasabay ng hagulhol kong matagal kong inipon kanina.


"Akala ko okay na... akala ko mararanasan ko na ang happily ever after ko, namin... hindi pala, Nay. Ang sakit.. sakit sakit... kasalanan ko ba talaga, Nay? Kasalanan ko ba talagang hindi ko kaagad sinabi sa kanya? Kasalanan ko ba talaga na inilihim sa kanya 'yon? Kasalanan ko bang mas inisip ko ang kalagayan niya kaysa sa katotohanang iyon?" sinabi ko sa kabila ng paghikbi.


"Shhh.. anak, tahan na.. nandito na si nanay. Hindi mo kasalanan 'yon.. wala kang kasalanan..." pagpapatahan niya habang hinahagod ang aking likod. Kahit papaano ay kumalma ako.


Kumalas kami sa yakap at luhaan ko syang tiningnan,"Kung nasabi ko kaya ng maaga sa kanya ay hindi aabot sa ganito ang lahat?" puno ng awa nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi.


"May mga bagay na kailangan natin tanggapin ang kinalabasan. Maganda man o hindi, masarap man sa pakiramdam o masakit, iyon ang nangyari at hindi na mababago pa. Kung talagang kayo para sa isa't isa, ang tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para mapaglapit ulit kayong dalawa."


Kinagat ko ang ibabang labi,"Ngunit paano kung hindi talaga kami para sa isa't isa, Nay?" ang sakit, ang hirap naman tanggapin no'n.


"Edi tanggapin mo kahit mahirap. Tanggapin mo.. kayanin mo, Leticia anak. Hindi lahat ng taong nagmamahalan ay nagkakatuluyan hanggang sa dulo. Tanggapin mong hindi siya sayo at hindi ka para sa kaniya. Palayain mo ang iyong sarili, anak.. palayain mo siya." tumitig ako kay nanay at nagpaulit ulit sa isip ang kanyang sinabi.


Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon