Dinala ko ang monoblock chair sa pwestong tinatalikuran ang lounge kung saan naroon ang dalawang architect at isa pang engineer at kasama si Kelvin na syang rason kung bakit ganito ako ngayon.
"Ms. Leticia? Bakit hindi ka lumipat rito sa tabi ko?" puna ni Architect Ramos pagkaupo ko.
Kaharap ko sya samantalang sa magkabilang gilid namin ay si Engr. Marquez at Engr. Samonte. May silong naman kaya inalis ko na ang red hat ko pero yung coat ay hindi pa, ewan ko para kasing may pumipigil sakin.
"'Di. Okay na ako dito, mas komportable ako." tumango tango na lamang sya at humalukipkip.
Maganda si Architect Aviene Ramos. Mahaba ang kanyang buhok, mga hanggang bewang nya tapos wavy kaya bumabagay sa maputi ngunit mamula mula nyang kutis. Yung mukha nya parang kahit hindi mo na lagyan ng make up ay nakakahalina parin.
"Ang tagal ng delivery," biglang tingin ni Engr. Samonte sa kanyang wristwatch.
Umubo ng bahagya si Engr. Marquez at sumulyap muna sa akin bago nagsalita.
"Hindi naman ikaw ang nag-order kaya wait patiently." aniya na nagpatawa sa architect na kasama namin.
Pinalobo ko ang pisngi para pigilan ang matawa. Savage pala 'tong si Engr. Marquez, ah.
Magkasalubong ang kilay na hinarap sya ni Engr. Samonte,"Alam mo kanina ko pa napapansin, pre. May galit ka ba sakin? Kanina kapa kumokontra sa pinagsasabi ko eh," medyo iritado ang kanyang tono.
Doon ko na hindi napigilan ang mahinang paghagikhik kasabay ng malakas na tawa ni Architect Ramos. Grabe, kahit na ang professional nya tapos elegante ang aura ay gano'n parin sya kung tumawa. Natural talaga hindi katulad ng iba.
May kilala ako pero 'di ko sasabihin. Hulaan nyo.
"Wala naman. Nagsasabi lang ako ng totoo, Engr. Samonte." banayad ang boses na sinabi ni Engr. Marquez.
"Ah so are you saying that my words are all lies?" Napipikon na kaagad itong si Engr. Samonte.
Papagitna na sana ako sa kanilang dalawa pero nauna sakin si Architect Ramos na tumatawa parin.
"Hey stop it you two. Nasa harapan kayo ni Ms. Leticia so act professional." saway nya kaya tumingin sila sa akin.
Inalis ni Engr. Samonte ang hard hat nya,"I'm sorry, Ms. Belleza. I shouldn't act like that in front of you," Nanlaki ang mata ko sa pagkaseryoso niyon.
"Hindi, Engineer. Okay lang, wala naman yun sakin hehehe,"
"Thanks," para siyang nakahinga ng maluwag.
Napailing nalang ako. Matangkad si Engr. Samonte, brusko ang pangangatawan tapos may pagkamoreno. Clean cut ang buhok at may mga matang medyo singkit.
"Sorry, Ms. Leticia. Galit ka po ba sakin?" si Engr. Marquez bakit ang cute?!
Agad akong umiling,"No, hindi ako galit. It's okay, Engr. Marquez." nginitian ko sya at mayamaya lang ay ngumiti rin sya pabalik.
'To namang si Engr. Marquez ay hitsurang shy type, nahahawig ang katawan nya kay Euhan nga lang sumobra ang pagkaputi ng kanyang kutis na maihahalintulad na sa papel. Tingin ko rin ay hairy sya kasi makapal ang kilay, kitang kita ang balbon sa braso.
"Omygod, don't tell me.." napalingon kaming lahat sa architect ngunit ipinilig lang nito ang ulo,"Nevermind. So what now? Back to being best friends again, Engr. Samonte? Engr. Marquez?" naguluhan ako roon.
Sinulyapan ko ang dalawang inhinyero at may napagtanto. Eh?! Magkakakilala silang tatlo? Akala ko kasi si Architect Ramos at Engr. Samonte lang kasi noong meeting ay sila ang magkasabay umalis, hindi naman nila kasama si Engr. Marquez no'n dahil napapansin ko parang ilag 'to sa kanilang dalawa.

BINABASA MO ANG
Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)
RomanceLei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy in her simple life not until an accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident too. They had a deal... And that deal is...