Kabanata 25

5.9K 131 7
                                    

Inabot ko ang cellphone sa ibabaw ng side table. Narito ako ngayon sa kwarto ko, may mga disney posters na, eh, so kwarto ko nga 'to. Gusto pa nga ni Kelvin na doon ako matulog sa kaniyang kwarto pero hindi ako pumayag. Alam ko naman na kasing hindi pagtulog ang mangyayari. Hmp!

Hindi na rin siya nagpumilit at hinayaan na ako. Napangiti ako sa ganoong pagtrato niya. Hanggang ngayon kasi ay hindi parin ako sanay. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari. Ang gaan sa pakiramdam. Ganito pala magmahal si Kelvin. Ang malupit na bilyonaryong 'yon...

Nakauwi na rin pala si nanay. Hinatid siya ni tito Jershun. Si Kiel naman ay hindi na bumalik simula noong mag walk out. Baka naghahanap na ng sariling girlfriend, iyong magtatagal.

Balak ko sana magfacebook kaso biglang tumatawag si freny. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko naman ito inasahan ngunit dali-dali ko parin iyong sinagot. 

"Freny..." 

Kumunot ang noo ko sa tono ng kaniyang boses,"Hello, freny? Okay ka lang ba?" naalala ko ang nangyari kagabi."I'm sorry pala, freny, ha? Hindi ko naman alam na mag-aattempt si Euhan na halikan ako. Nagulat ako lalo na noong sumulpot si Kelvin at pinagsusuntok siya. Sorry, freny. Sorry!" halos mangiyak-ngiyak kong sinabi.

"Okay lang, freny. Naiintindihan ko but sina momsie at dadsie, hindi ko sure. Kaya ang totoo niyan... I have a reason why I called you." kumunot ang noo ko.

"Ano namang dahilan 'yon?" 

Bumuntong hininga muna siya bago sumagot."We will having a vacation and it will take uh, a month. I suggested it to our parents because I think we really need to unwind especially si hantot. They agreed naman so ayon... I just wanna say goodbye to you, freny, for the mean time. Don't worry we're still friends, okay? It's just that, Euhan needs to move on na and we will help him. I hope you understand." 

Nakagat ko ang labi at dahan-dahang tumango. Mas lalong hindi ko ito inasahan pero... naiintindihan ko naman siya, naiintindihan ko sila.

"Okay, freny! 'Wag ka mag alala, naiintindihan ko naman, eh. Basta, chat chat parin tayo, ah?" pinasigla ko ang boses.

"Sure, sure! Thanks freny, ah? Love 'ya and I will miss you!" napangiti ako matinis niyang sinabing 'yon.

"Mas mamimiss kita 'no! Ingat kayo! At pakisabi kay Euhan, sorry, ah? Pati kay tita Odette at tito Alex..." 

"O' sige!" narinig kong tinawag ang pangalan nya doon."Shocks! We gotta go na, freny. Oras na ng flight namin papuntang Paris, eh. Byebye! Mwa!"

"Sige, bye!"

Matagal akong napatitig sa screen at bumuntong hininga bago iyon ibinalik sa table saka humiga na. Inilagay ko sa hanggang leeg ang comforter. Nararamdaman ko ang lungkot ngunit alam ko naman na bukas ay magiging okay na rin ako. 

Nakapamulsang si Kelvin ang bumungad sa akin pagkababa ko. Trabaho na naman ngayon. Hindi na naman ako nagreklamo kahit na nagkamabutihan na kami kasi nasanay na rin ako't nagugustuhan ang pagtatrabaho bilang secretary nya at designer ng kumpanya nila--este niya rin pala.

Naglakbay ang tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa. Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti at nanatiling seryoso. Red sleeveless at pencil skirt lang na pinatungan ng suit ang suot ko ngayon. Medyo kita nga lang ang kaunting line sa bandang gitna ng dibdib ko pero ano naman magagawa ko, eh eto nalang ang pang office na meron ako? 

"Don't you remember?" Nagulat ako nang lumapit siya sakin at ibinutones ang suit ko."I don't like you wearing too revealing clothes. You should always remember that." aniya saka bigla akong siniil ng halik.

Napakapit ako sa kaniyang braso. Nag-iinit ang aking pisnging tumingin sa paligid pagkalas niya. Nagpupunas ng aquarium si ate Agnes na medyo malayo ang distansya sa amin, ang isang kasambahay ay nagmo-mop mula sa gilid samantalang ang iba naman ay sa labas naggugupit ng mga halaman. Tiningnan ko sila isa-isa at nakahinga nang maluwag dahil mukhang hindi naman nila nakita ang ginawa namin ni Kelvin.

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon