Kabanata 14
Nang hindi ko na makayanan ang gutom ay itinigil ko muna ang ginagawa saka lumabas patungo sa malapit na fastfood chain para bumili ng mailalaman sa tiyan.
Hanggang ngayon ay hindi parin nabalik sa opisina si Kelvin dahil sa sunod-sunod niyang appointments na ipina-set sa akin pagkatapak pa lang ng paa namin kanina roon.
Nahihilo akong naglakad papunta na sana sa labas ngunit isang babaeng empleyado ang lumapit sa akin. Maganda at makinis ang kutis niya saka mukhang mabait.
"New secretary ka ni Sir Kelvin, 'di ba?" Pati ang boses niya ay kaylambing.
Tumango naman ako, hinila niya ako papunta sa cubicle na pwesto niya. Pinagtitinginan na kasi kami na parehong nasa gitna.
"Kapag sumasapit ang tanghali, hindi man lang kita nakikitang lumabas riyan sa opisina n'ya, ah. Himala ngayon, e. Saan ang tungo mo?" Napangiti ako nang mapansin na may kadaldalan pala siyang taglay.
"Bibili sana ng lunch sa malapit na fastfood chain dyan." Wika ko kasabay ng pagtunog ng tiyan ko.
Napatingin siya roon, namula tuloy ako sa hiya.
"Uh, oh. Lunch ba? Luh, ala singko na ng hapon for your information. Halika! May extra ako ritong sandwich!" Masayang aya niya.
Nahihiya talaga ako ngunit hindi ko na siya natanggihan pa at kinuha ko na ang inaalok niya.
Kaagad kong naging close si Thia. Oo, 'yan daw ang pangalan niya. Marami pa siyang ikinuwento at sinabi sa akin bago ko namalayan na ubos na pala ang sandwich na binigay niya sa akin at halos isang oras na pala kami magkausap.
Ayaw ko man ay nagpaalam na ako sa kaniya upang tapusin ang naudlot na trabaho. May ichecheck pa nga pala akong mga folders and documents. Grrr.
"Byebye, Thia! Salamat sa sandwich! Next time ay susuklian ko ang kabaitan mo sa akin."
Umikot ang mata niya.
"Wala 'yun! Basta reto mo nalang ako kay Sir Kelvin, ayos na." Kumindat s'ya. Hindi ako tumango at nginitian nalang siya saka tumalikod na. "Charawt!"
Nangunguso kong tinahak ang opisina. Parang hindi ko nagustuhan ang sinabi niya sa akin, ah?
Kung sabagay, wala namang babae ang hindi magkakagusto sa hitsura ng Kelvin na iyon. Hindi niya ba alam na ikakasal na sa akin ang boss niya?
Bumuntong-hininga ako, "Pagod lang ako," at ipinagpatuloy nang tapusin ang nakaatang na trabaho.
Naalimpungatan ako nang maramdaman na para akong lumulutang. Ni hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako kakacheck ng mga papeles. Naaninag ko ang gwapong mukha na kamukha ni Kelvin. Sinundot ko pa nga ang pisngi nito at napangiwi dahil sa tigas niyon pero makinis naman.
Ramdam ko ang paglalakad nito habang buhat buhat ako. Bumibigat na muli ang talukap na mga mata ko pero pinilit ko parin na ibuka ang bibig at magtanong.
"Bakit mo ako pinapahirapan?"
Akala ko hindi ito sasagot pero narinig ko ang mababa niyang boses.
"Dahil pinapahirapan mo rin ako."
Tuluyan nang bumagsak ang talukap ng aking mga mata at ibinalik ako sa mundo ng paniginip.
Kinaumagahan ay napatuloy ang routine ko. Almusal. Ligo. Bihis. Sabay kay Kelvin. Punta sa opisina. Gawin ang trabaho. Bumuntot kay Kelvin kapag may appointments. Mag-accept ng mga tawag at gumawa ng designs para sa mga bagong kliyente.
Tulad nalang ngayon, kasalukuyan akong nakasunod kay Kelvin patungo sa elevator para pumunta sa conference room. At dahil rito ay naudlot na naman ang ginagawa kong trabaho bilang designer ng kompanya nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/243722200-288-k463348.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)
RomanceLei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy in her simple life not until an accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident too. They had a deal... And that deal is...