"Graciás, lola... lolo. I promise na susundin ko po ang mga payo ninyo, pati siyempre kay tatay daddy," bumaling ako kay tatay daddy na katabi ang agad na napasimangot na si nanay mommy.
"Ako rin naman, anak. Marami akong alam sa business business, papetiks-petiks lang okay na," natawa kaming lahat maging ang aking grandparents sa tabi ko.
"It's good that finally, our only granddaughter will manage the Belleza Inc. Si Rustin kasi ay marami pang kaartehan na ginawa bago magseryoso sa paghawak niyon," ani lolo Morven at tiningnan ang anak na siya namang nakasimangot ngayo't nakahilig ang baba sa balikat ni nanay mommy.
"I agree. Good thing, your daughter is not like you, sa tingin ko ay mana siya sa amin," si lola Ruscana.
"Sa amin siya nagmana," sabay pang sinabi ng mga magulang ko kaya natawa kami nila lola at lolo.
"By the way, hindi ko pa naman po ima-manage ang company, tutulungan ko pa si tatay daddy. I want to start on the lower stage, lo. At saka na ako uupo sa CEO chair kapag I already mastered paano patakbuhin iyon nang pinamumunuan ng isang cute at mabuting leader," wika ko.
"Apo nga natin ito,"
"Anak ko 'yan!"
"Mana kay nanay mommy 'pag usapang cute,"
Andito kami ngayon sa Italy, dalawang buwan kaming namalagi sa Casa Belleza kung saan pagmamay ari nina Lolo Morven at Lola Rusca, yes, sila ang mga magulang ni tatay daddy. Sila iyong naging dahilan kung bakit niya kami iniwan noon pero naipaliwanag naman na nila sa amin ni nanay ang kanilang rason at anggulo kaya wala nang puwang pa para magalit kundi sa halip ay unawain at magpatawad.
Simula no'ng nabuo ulit kaming pamilya, nagbago ng husto ang buhay ko. Sobrang saya ko na to the point na masasabi kong kontento na ako. Na wala nang lungkot, pait, sakit, panghihinayang at galit. Iba talaga ang nagagawa ng magpalaya at magpatawad, kasiyahan hindi lang para sa minamahal kundi para na rin sa sarili.
Halos walong buwan na ang nakalilipas. Natupad nga ang sinabi ni tatay daddy na magmula nung araw na iyon, sa mansyon na kami nanirahan ni nanay mommy. Tatay daddy na ang tawag ko sa kanya kasi naman sinabi nya sakin na iyon na raw ang itawag ko sa kanya dahil mas bagay sa kanyang tawagin ko syang ganoon, hindi ko alam na may side palang ganun ang aking ama. Si nanay naman, ako ang nagsuggest na tawagin rin siyang nanay mommy para pair sila ni tatay daddy. No'ng una ay tumututol pa siya na kesyo kung ano-ano na raw itinuturo sa akin ni tatay daddy pero kinalaunan ay pumayag na rin siyang tawagin kong gano'n.
Araw-araw ulit siyang niligawan ng aking ama kagaya ng sinabi nito at hindi naman 'to nabigong makuha ulit ang loob ni nanay sa tulong ko na rin. Napatawad na siya ni nanay at tuluyan nang nalusaw ang galit dahilan ng kaniyang paglisan at sa loob ng walong buwan na nakasama namin siya ulit ay lalong nabaling ang atensyon ko sa maraming bagay, maraming napagtanto at maraming natutuhan.
Pumunta kami rito dahil tumawag noon kay tatay daddy ang papá niya--si lolo, na gusto raw nito kaming makita ni nanay mommy. Kinabahan kami no'n at naisip na baka matapang at hindi ako magugustuhan nila ngunit nagkamali ako. Unang araw pagtapak pa lang namin sa Casa ay sinalubong na agad kami ni Lola Rusca ng masigabong yakap, masayang masaya siya na makita kami at lalo na raw ako.
Istriktong tunay si lolo Morven na siyang naging hadlang sa pag-iibigan ng mga magulang ko, akala ko pa nga ay galit parin siya sa ina ko at sa aking apo niya pero nagulat kami nang humingi siya ng tawad sa kanyang nagawa sa amin, simula noon napagtanto kong hindi naman masama ang magpatawad kahit ilang ulit pa, kahit gaano ka pa nasaktan o naagrabyado ng taong nagkasala sayo kasi kung paiiralin ang galit sa puso, walang matatamong kasiyahan.
Pinatawad namin siya, nalaman naming maayos na rin ang relasyon nila ni tatay daddy. Ikinuwento nila sa akin na hindi pala nila kailanman nakita si nanay, ang tanging alam lang nila ay may relasyon ang kanilang anak rito at nagsasama na sa iisang bubong. Ikinasal sila ngunit hindi rin alam ng mga ito at nanatiling lihim hanggang sa nagdesisyon si lolo na pasundan ang anak sa pilipinas kaya roon ay nagsimula na siyang maging malupit na ama rito. Inamin ni lolo na unang-una palang ay hindi na niya talaga gusto si nanay para sa anak subalit nang makita niya kung paano naging miserable si tatay noong mga panahong hiwalay ito sa amin ay unti unti siyang nakonsensya, nagsisi at tinanggap ang kapalaran ng kaniyang anak.

BINABASA MO ANG
Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)
RomanceLei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy in her simple life not until an accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident too. They had a deal... And that deal is...