Kabanata 31

4.9K 110 14
                                    

-Hindi sya! Hindi sya ang tatay mo at wala na ang tatay mo, Leticia!" Pahysterical niyang saad kaya naguguluhan ko siyang tiningnan.

"Pero gusto ko pong makasiguro dahil hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatunayan na hindi siya si tatay," hindi niya parin ako binibitawan."Please, Nay..." pagmamakaawa ko.

Pumikit siya ng mariin at unti-unti akong pinakawalan. Hindi na niya ako napigilan pa nang tumakbo ako palapit sa lalaking nasisiguro kong aking ama. Tumigil siya sa paghakbang at nag-angat ng tingin sa 'kin. Nagtitigan ko ng malaya ang kabuuan ng mukha niya kahit pa may hadlang na salamin sa mata ay ramdam na ramdam ko ang lukso ng dugo.

"Do you need anything, hija?" tanong niya. 

Hindi niya ba ako namumukhaan o naaalala man lang?

"Hindi mo ba talaga ako nakikilala, Tay?" tinanong ko pabalik at bumakas ang gulat sa mukha niya.

Inangat niya ang kamay para tanggalin ang suot na shades, tumingin sa akin ang asul niyang mga mata. Pumatak ang luha ko at walang pagdadalawang isip na niyakap siya nang mahigpit. Tumaas ang magkabilang balikat niya ngunit abala ako sa pagdama ng presensiya ng isang ama.

"Hey, are you okay? I think you've mistaken--"

"Hindi siya nagkakamali dahil siya nga ang anak mo, Rustin. Sa tagal ba ng panahon na nawala ka, hindi mo na siya makilala?" Kumalas ako ng yakap at humarap nang marinig si nanay sa likuran.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya habang nakatingin kay Tatay. Subalit natitiyak kong galit sya. Galit na galit.

"P-Patricia?" nagpakurap-kurap ito bago bumaling ulit ang tingin sa akin."Leticia? My daughter..." Aniya at hindi makapaniwalang sinuyod ako ng tingin."You've grown very beautiful... I can't believe I'm gonna see you again after so many years..." Akmang yayakapin niya ako muli nang kuhanin ako ni nanay at itago sa kaniyang likuran.

"Ang kapal ng mukha mong sabihin 'yan. Sino ba ang nang-iwan sa pamilya? Kami ba? Hindi ba't ikaw? Ni hindi mo man lang nga nakilala ang anak mo sa tinagal-tagal ng panahong wala ka, Rustin!" malakas niyang wika. 

Pinunasan ko ang luha ngunit may sumunod na naman.

Umawang ang bibig ni tatay at sinubukang hawakan si nanay pero hinawi niya iyon at tiningnan siya nang mas matalim. 

"I can explain. I will explain my reasons just please, give me a chance... please, Pat, hear my explanations..." nangungusap ang kaniyang hitsura.

Aaminin kong may pagtatampo ako sa kaniya ngunit ama ko parin siya at labis akong nangungulila sa kaniya.

"Tumigil ka. Wala ka nang babalikan, umalis ka 'di ba? Iniwan mo kami 'di ba? Hindi namin kailangan ang eksplanasyon o paliwanag mo!" kinuha niya ang kamay ko,"Tara na, Lei." at nilampasan namin si tatay.

"Nay..." lumingon siya sa 'kin,"Ako... kailangan ko ang eksplanasyon niya. Ang mga rason niya kung bakit niya tayo iniwan. Matagal ko kasing hinintay ang pagkakataon na 'to..." lumuluha kong sinabi at mahigpit na hinawakan ang kamay niya, nakikiusap.

Unti-unting nagbago ang ekspresyon niya mula sa salubong na kilay patungo sa pag-aalala. Nilingon niya ang kinaroroonan ni tatay at bumaling ulit sa akin.

"Pero iniwan niya nga tayo, anak. Hindi ka ba nagagalit sa kaniya?" umiling ako.

"Hindi po. Nagtatampo lang pero hindi nagalit. Ama ko parin siya, e. At lahat naman po ng pagkakamali at pang-iiwan ay may rason. Kailangan lang natin magpatawad at tanggapin iyon. Bigyan ng pangalawang pagkakataon kung deserving ba siya para roon." 

Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi at tumango kasabay ng pagpatak ng butil ng luha sa pisngi. Ngumiti rin ako at bumuka ang bibig para magpasalamat sa kanya. Magkasunod kaming bumalik sa kinaroroonan parin nang nakatayong si tatay. 

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon