"You're so beautiful, hija!" grateful akong ngumiti sa compliment sa akin ni tito.
"Thank you po, tito..." Lumipat ang mga mata ko sa mga kasama nya at bahagyang nanlaki ang mata nang makita roon ang parents ni freny at Euhan.
Narito rin sila malamang.
"By the way, they're one of the stockholders of our company." aniya nang mapansin kung nasaan ang mga mata ko.
Nangunang ngumiti ang babaeng nakasilver gown na may slit sa kanang hita.
"Hi! So you are the fiancé of Kier..." sinuyod nya ako ng tingin mula ulo hanggang paa,"Indeed Soleriana was right, you have an angelic features," At naglahad sya sa akin kaya tinanggap ko 'yon."I'm Amanda Westelnn, Soler's sister-in-law."
"Uh, thanks po. Nice to meet you po." Nahihiya akong ngumiti. Tumawa siya at pati ang pagtawa ay elegante.
"You're so magalang. Just call me tita Amanda nalang, okay?" aniya at tumango nalang ako.
"I'm George Westelnn, her husband and Soler's brother. Nice meeting you, hija. And just like what my wife said, call me Tito na rin." pagpapakilala ng kapatid pala ni tita Soler.
Nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ni Tita Amanda.
Ngumiti ako at tinanggap ang kamay nya,"Nice meeting you rin po, Tito George..."
At ganoon rin ang ginawa ng tatlo pang magkapareha.
"Nice to meet you. I'm Crisabel Ezcano and he's my husband, Joaquin Ezcano."
"Vonn Gierro and this is my wife, Denise."
"I'm Mikael Gustave and this is my wife, Cathyrin."
Wait, Gustave.. Gustave... ayun! Naalala ko! So, sila pala ang parents ni Trevor na ipinakilala sakin ni Kiel kanina? Walang dudang anak nga nila sya, super same ng features, e.
And speaking of Trevor, bigla nalang syang nawala. Kanina ay kausap pa sya ni Kiel, 'diba? Nasaan naman kaya 'yon? Hay, bahala na nga sya dyan! Malaki na sya at kaya na nya sarili nya.
Pare-pareho kong tinanggap ang pagpapakilala nila ngunit nang dumako na kila tita Odette at tito Alexander ay kinabahan ako. Nakangiti lang naman sila at mukhang normal lang ang reaksyon pero ewan ko ba sa pakiramdam ko.
Marahil ay guilty lang talaga ako.
"Hi, Leticia. It's our pleasure to be invited in you and Kelvin Vanhouger's engagement party." matamis parin syang nakangiti at inilahad ang kamay.
Nanlalamig ko iyong tinanggap.
"Oh yes, I remember! You're close with the Lorenzos nga pala." si tito Jershun. Naramdaman ko ang kamay ni Kiel sa siko ko. Nakalimutan kong nariyan pa nga pala sya.
"Yes, you're right, Jershun." Bumaling muli sya sakin,"I like your gown, hija. Elegantly stunning and perfectly fits in you but I think it's more nice if my son is your fiancé." namilog ang mata ko dahil doon.
"Odette..." saway ni tito Alex sa asawa. Ngumiti lang ito.
"I'm just kidding! Masyado naman kayong seryoso." at awkward na tumawa. Nakaramdam ako ng tensyon at nasisiguro kong hindi lang ako.
"What the heck she was saying?" bulong sa akin ni Kiel. Umiling ako at hindi sya sinagot.
Tumikhim si tito,"Enough for the introduction. Let's just continue our topic earlier," Sinabi nya sa mga ito at nagtanguan naman sila,"Leticia, Kiel, maiwan na muna namin kayo." aniya nang bumaling sa amin.
"Sure, dad."
Bumalik ulit ang tingin ko kila tita Odette at nakangiti lang naman sya sakin. Isa isa na silang tumalikod kasama si tito Jershun. Naiwan si tita Odette at tito Alexander at mukhang may nakalimutan pang sabihin sa akin.

BINABASA MO ANG
Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)
RomanceLei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy in her simple life not until an accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident too. They had a deal... And that deal is...