Kabanata 48

5.7K 94 6
                                    

"Kier, nasaan na ang pinabibili kong rambutan?" taas-kilay kong tanong habang naglilipat ng channel sa tv.

Hindi ako lumilingon kasi nakakatamad. Dinig ko ang tunog ng kaniyang sapatos kaya alam kong papalapit na siya sakin. At hindi nga ako nagkamali kasi ngayon ngayon lang ay nasa harapan ko na siya.

"But my love.." iyong boses niya ay pagod. 

Nagsimula ko na siyang harapin.

"Bakit? Wala? Pagod kana ba? Pagod kana sakin?" nangilid ang luha ko sa isiping pagod na siya sakin. 

Hindi ko naman sinasadya na pahirapan siya sa paghahanap ng dose dosenang rambutan eh!

Nagulat siya lalo na nang humikbi ako. Dali dali niya akong dinaluhan. Hindi malaman ang gagawin.

"H-Hey, nagpadeliver na ako, matatagalan pa raw ang dating but I'll make it fast for you, mylove," sinabi niya at suminghot singhot ako.

"Talaga? E, bakit mukhang pagod ka na? Ayaw mo na ba sakin ha? Nakakainis na ba ako?" kinagat ko ang ibabang labi dahil tumulo na naman ang luha.

Nakaawang ang kaniyang labi. Nainis ako sa reaksyon niya kaya tinalikuran ko siya ng upo. Bahala siya dyan! Kung pagod na siya, edi wow! Kami nalang ni baby ang magsasama. Kaya ko siyang buhayin ng wala ang ama niyang ito! Grrr!

Naramdaman ko ang yakap niya sa aking likuran, ipinalibot niya ang kamay sa tyan ko at ipinatong ang kanyang baba sa balikat ko. 

"My love, I'm not damn tired and I will never get tired of you," binulong niya 'yon sa mismong tenga ko.

Nakaramdam ako ng kiliti at sensasyon pero hindi ko parin siya nilingon. Tse! Bahala siya dyan! Ibigay nya muna ang mga rambutan ko! Hmp!

"Okay, I know you don't want to see my face. Fucking fine, bakit ba kasi ganun kapag buntis?" nagsalubong ang kilay ko sa huling sinabi niya,"I love you, my love. No one can change that. Stop crying na, alright? Makakasama 'yan kay baby,"

Binigyan niya ako ng halik sa pisngi. Naamoy kona naman ang pabango niya kaya inilayo ko ang sarili. Ang baho niya talaga!

"Ang baho mo, Kelvin," nakahalukipkip kong sabi.

Umalis na siya sa pagkakaupo,"You're addicted to my scent before. What happened now? Damn, this is torture!" Hinarap kona siya kasi hindi na siya malapit sakin.

"Anong torture? Totoo naman eh, ang baho mo kaya! Ayoko sa amoy mo!" nagsalubong ang kanyang kilay.

"Ayaw na nga ako makausap, ayaw pa sa amoy ko, ayaw pa akong makita. Is this my karma? You're my sweetest karma, Leticia." suminghap ako sa mukha nyang umaastang malungkot.

Wala iyang talab sakin! 

"Oo, ayokong makausap ka, ayoko rin sa amoy mo at ayokong makita ka. Kaya sige na, mamaya mo nalang ako kausapin kapag nandyan na ang rambutan, okie? 'Di uubra sakin mga banat mo," inirapan ko siya.

Bumuga siya ng hininga,"Alright, mylove. Call me if there's a problem," akmang hahalikan niya ulit ako sa pisngi pero umiwas ako.

Malakas siyang bumuga ng hangin at nagmartsa na paalis. Ngumuso ako nang hindi ko na naamoy pa ang pabango niya. Naglipat ulit ako ng channel pero wala akong magustuhan kaya nanonood na lamang ako sa Netflix ng Tangled.

Anim na araw na ang nakakaraan matapos madischarge ni Kelvin sa ospital. No'ng una hindi ko pa nafefeel ang ganito patungkol sa kaniya pero habang tumatagal, naaasiwa talaga ako sa kanyang pabango.

Kaya naman kapag lumalapit siya ay nagtatakip ako ng ilong. Ang sakit sa nostrils! Kalaunan, naiirita na rin ako kapag nakikipag-usap sya sakin. Ewan ko ba parang ayoko lang marinig ang boses nya. Tapos ayon, naiinis ako na makita ng malapitan ang kanyang mukha.

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon