Kabanata 10

7.3K 141 2
                                    

Kabanata 10

Hanggang sa matapos na ang lunch break ay hindi parin bumabalik si Kelvin sa opisina. Bagot na bagot na ako kakahintay dahil ni anino niya ay hindi parin nagpapakita. Wala naman akong magawa kundi magpabalik-balik na lamang kasi sira ang laptop na ginagamit ko sa paggawa ng designs.

Nasaan na kaya iyong lalaking 'yun?

Nagulat nalang ako nang bigla ay tumunog ang telepono. Sapo-sapo ko ang dibdib dahil sa naramdamang kaba, "Jusko naman. Akala ko kung ano na!" Dali-dali akong nagpunta roon at kinuha iyon.

"Hello? Sino po ito?" 

Maingay na musika at hiyawan ng mga tao ang naririnig ko sa background kaya medyo inilayo ko iyon sa aking tenga. Maya-maya lang ay may malalim na buntong hininga na ang narinig ko.

"Finish the papers I haven't put my signatures yet. I'm not going back to the office. I'll just send Vicente to drive you home." Medyo paos ang boses n'yang iyon na unti-unting nalulunod dahil sa ingay ng background.

Kumunot ang noo ko. "K-Kelvin?" Hindi siya sumagot at namalayan ko nalang na pinatayan na pala n'ya ako ng tawag. "Bastos! Kainis!" Pabagsak kong ibinaba ang telepono at naiinis na umupo sa kanyang swivel chair.

Sunod-sunod kong chineck ang patong-patong na papel sa table nya. Sa sobrang inis na nararamdaman ay halos butasan ko na ang mga iyon.

Napatigil lang ako nang makita ang litrato na nakalagay sa loob ng babasagin nyang table. Inilapit ko ang mukha roon at tinitigan ng mabuti.

Isang matangkad at magandang babae ang kasama do'n ni Kelvin. Pareho silang nakangiti habang nakalagay ang kamay ni Kelvin sa bewang nito. Napakagwapo nya sa ngiti nyang iyon na ngayon ko lang nakita. Mas gusto ko ang nakangiti nyang hitsura rito ang kaso nga lang parang ang pait sa pakiramdam dahil ang kasama nyang babae ang dahilan ng ngiti nyang iyon.

Ay, ano ba 'tong sinasabi ko? 

Ano kaya siya ni Kelvin? Siya kaya ang girlfriend nya?

Hindi sya pamilyar sa 'kin, bagaman nasa kaniya 'yung tipikal na gusto ni Kelvin sa babae. Sexy at saka mukhang mayaman rin.

Sa huli ay dinedma ko na lamang iyon at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. 

Halos isang oras rin ako sa swivel chair niya at nang sa wakas ay matapos na ay nagdesisyon akong buksan ulit ang IG ko at tingnan kung may reply na si freny at viola! Meron nga!

Ecachuu: Ocakes. Anong oras ba?

Itz_belleiza: 3pm, freny:>

Isinilid ko na sa bag na dala ko ang cellphone at napasandal nalang sa upuan.

Kinakabahan ako sa pagkikita namin ni Ericka. Matagal-tagal na rin kasi simula noong huli kaming nagkita tapos ngayon na magkikita ulit kami ay may problema agad siyang malalaman tungkol sa akin sa halip na bonding. Hmp!

Huminga ako ng malalim at hinintay muna na dumaan ang paparating na sasakyan saka ako tumawid sa kabilang kalsada patungo sa milk tea shop katapat lang ng kompanya at roon ay nakita kong nakaupo na sa bungad na tables si Ericka.

"Freny..." mabilis siyang lumingon sa akin at nanlalaki ang matang pinasadahan ang kabuuan ko. 

Akala ko nga ay papagalitan nya ako at aawayin pero...

"Aaaack! Freny! You're so gorgeous!" Halos masakal ako sa higpit ng yakap niya at nang bumitaw na siya ay nakahinga ako ng maluwag. "Bagay na bagay sayo! Love it!" Tumili-tili pa siya bago kami tuluyang naupo.

"Uh... s-salamat." Inipit ko ang buhok sa likod ng tenga at ngumiti sa kanya.

Tumaas ang kilay n'ya.

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon