Simula
One year ago...
"Opo Nay! Sige po! Mag-iingat po ako, pangako! Ikaw rin po nay, ingat... I love you!"
Nakangiti kong ibinaba ang cellphone at inayos na ang dalang bag nang matanaw na ang bus na sasakyan ko papunta kila Lola sa Batangas.
Maganda ang panahon ngayon kaya kampante ako na magbyahe kahit na mag-isa. Gusto nga na sumama ng dalawang kaibigan ko, eh. Kaso tumanggi ako kasi kaya ko naman na. Nami-miss ko na kasi ang Lola Sonia ko na huli kong nakasama noon pang 18th birthday ko kaya nagdesisyon akong bisitahin siya ngayon.
Grabe, miss na miss ko na talaga siya kasi—
"Miss! Sasakay ka ba o hindi?!"
Napatigil ako at kumurap nang sigawan ako bigla ni kuyang konduktor at napakamot na lamang ako sa batok nang makitang papaalis na pala ang bus at ako na lamang ang hinihintay!
Nahihiya akong nagpeace sign kay kuyang konduktor.
"Sorry, kuya! Lutang lang ako, hehe. Peace tayo!" Patuloy ang pagpeace sign ko.
Nakakakaba kasi baka may makagalitan ako ngayong araw!
Hindi pwede 'yon! Dapat goodgirl ako always!
Nagkamot ulo si kuya. "O, sya sige na peace na tayo. Sumakay ka na, miss at baka maiwanan ka nang tuluyan," sinabi niya saka itinuro ang pinto ng bus.
Bumungisngis ako. "Okie!"
Panay naman ang paglinga ko sa bawat madadapuan ng mata ko habang kasalukuyan na nasa byahe. First time ko kasi ito na sumakay ng bus at magbyahe papunta sa Batangas. Hindi kasi ako pinayagan ni Nanay noong dalawang taon matapos kong mag debut. Masyado daw pa kasing delikado dahil hindi daw ako sanay sa mga ganito at nag-aalala daw siya para sa nag-iisang n'yang anak. Pero ngayon na 21 na ako ay pinayagan n'ya na ako.
"Teh? Ang gaslaw mo, 'teh."
Bumaling ako sa katabi ko nang marinig ko siyang nagsalita.
"Po? Ako po ba ang tinutukoy n'yo?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
Ano bang sinasabi ni Kuyang girly na 'to?
Umikot ang mata niya.
"Nako, 'teh! Sabi ko ang gaslaw mo! Kanina ka pa palingon-lingon diyan. May hinahanap? May hinahanap?" Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabi iyon.
Para siyang gigil na gigil na ewan.
Oh no! Nagalit ko nga yata si kuyang girly! Bakit nga ba kasi ang gaslaw ko? Huhuhu.
"Ahm... Sorry kuyang girly! Pasensya ka na, ha? First time ko kasi ito, e..." nakanguso kong sinabi habang nakatungo.
Nakakahiya kasi sa kaniya, siguro kanina pa siya nalilikutan sa akin.
"Ganoon ba? Okay, mabuti at sinabi mo hindi iyong para ka d'yang kiti-kiti," maarte ang pagkakasabi niyang iyon na nakapagpanguso sa akin lalo. "Well... magandang kiti-kiti rather," rinig kong dagdag niya.
"Ah, ikaw rin po maganda!" Nakangiti ako nang malawak habang pinagmamasdan siya.
Nanlaki ang mata ni kuyang girly at mukhang natuwa nang sobra sa sinabi ko. Yieee!
"Talaga, 'teh?" Tanong niya at nag flip pa siya ng kaniyang blonde na buhok.
Sa tingin ko kakaparlor pa lang niya niyon, medyo basa pa kasi.
"Oo. Ang ganda ng buhok mo!"
"Pownyeta ka! Buhok ko lang talaga? Ha? Baklang 'to!" singhal niya saka inirapan ulit ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/243722200-288-k463348.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)
RomanceLei Belleza is a soft-hearted girl. She is so fragile and carefree. Everything's right and happy in her simple life not until an accident happened. She made a promise to someone who was there on that accident too. They had a deal... And that deal is...