Kabanata 35

5.2K 99 10
                                    

"How was the meeting, my princess?"

"P-Po?"

Tumambad sa akin ang nakakunot noong si tatay daddy. Kumurap kurap ako at napakagat sa ibabang labi. Hindi ko pala namalayanan na kanina nya pa ako kinakausap, masyado akong okupado ng mga iniisip ko.

"I'm asking you how's the meeting earlier?" tanong nya ulit at umupo na sa katapat ko.

Pagkauwi ko, nagbihis agad ako ng pambahay at nagpasyang magrelax dahil pakiramdam ko ay stress na stress ako. Nagtungo ako rito sa side pool area, nalunod na naman ako sa mga isipin na parang malalim na tubig na aking natatanaw sa harapan na ultimong pagdating ng aking ama ay hindi ko na napansin.

Napatitig ako sa kawalan,"Ayos lang naman po ang meeting," wala sa sarili kong nasabi.

"That's not what I wanted to hear, my princess. Hindi ako kumbinsido, e. Hmm," nagwiggle ang dalawang kilay nya. 

Nagpout ako.

"Okay nga lang po, tay. Magagaling ang hired na architects and engineers, ayos lang sakin ang mga.. makakasama ko sa proyektong 'yon," sinungaling. 

Sa totoo lang ay hindi okay sa akin, pero ayaw ko naman syang madisappoint.

"It seems doesn't reflect through your eyes, oppositely stated. But alright, maybe you're just tired. Maiwan na muna kita at puntahan ko lang nanay mo," nakangiti syang tumayo. 

Sinubukan kong ngumiti pabalik at tumango.

"Sorry po. Don't worry, okay lang po talaga ako,"

Ibinuga ko ang naipong hangin sa baga at diretsong tumingin sa pool nang mag isa nalang ako. Kahit anong pagpilig sa ulo ay pilit paring nagfaflashback ang nakita ko kanina. Hindi ko man maamin pero nararamdaman ko ang pait at kung anong pagbagsak sa parteng puso ko. Bigla na lamang akong nawalan ng gana. Hindi ko gusto ang nangyayari saking ito.

Kaya naman idinial ko na ang numero ni freny. Hindi lumipas ang segundo at agad nya iyong sinagot. Tinanong nya kung bakit raw ako napatawag, naging honest ako kaya sinabi ko sa kanya ang nangyari, lahat. As in lahat. Pati iyong nakita ko sa elevator. Ang alam ko lang habang sinasabi ko ang mga iyon ay natutulala ako sa kawalan. 

"Gusto mo punta kami dyan?" alok nya agad pagkatapos kong magkwento. Napangiti naman ako.

"Gusto ko pero baka nakakaabala ako.."

"No you're not! We have nothing to do naman today so we'll come over there. Wait for us, okay?" agap nya.

"Okay sige, freny. Hintayin ko kayo," ibinaba ko na ang linya. 

Ang swerte ko talagang kaibigan ko sila. Na dadamayan ako sa anumang oras na may problema ako. Hindi lumilipas ang araw na hindi nila kinakamusta ang kalagayan ko, kung hindi sila makapunta rito, tumatawag or nagsskype nalang kami kahit sobrang lapit lang naman ng tinitirhan, busy pare pareho, e. Minsan naman ay ako ang pumupunta sa kanila kapag ako ang free at sila ang maraming ginagawa.

Basta walang araw na hindi kami nagkasama at nagkakabonding! Bumabawi sa mga panahon na lahat kami'y abala noon o nasa magulong sitwasyon.

Ilang minuto lang ay narinig ko na agad ang sasakyan nila sa may labas ng gate. Hindi nga ako nagkamali at nariyan na silang dalawa, inilibot pa nila ang paningin pagkatapos at huminto sa kinaroroonan ko nang mahagilap na ako. Magkasunod silang naglakad papunta sakin, niyakap ko agad si Ericka at umupo na silang dalawa sa tapat ko.

Nakacrop top syang navy blue, Louis Vuitton ang tatak, iyon 'yong binili nya kahapon sa mall kasama ang suot nya rin ngayong highways short, sexy nya lang. Si Euhan naman na nag-aalala ang mga mata sakin ay nakav-neck polo shirt at kargo short pants, oo, gwapo sya, aaminin ko. Pero may kung ano parin akong hinahanap na wala sa kanya.

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon