Kabanata 5

9.8K 176 11
                                    

Kabanata 5

Halos tulala ako nang makababa kanina matapos ang pangyayaring nasaksihan. Basta ang alam ko lang ay tinawag ako ni Tito Jershun upang magmeryenda daw kaya ngayon ay kasalukuyan kaming nasa hapagkainan kasama si Kiel na hindi ko alam kung saan nanggaling at biglang na namang sumulpot.

"Hija, are you okay?" Napabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Tito.

Nag-angat ako ng tingin sa kan'ya at nakitang pareho na pala sila ni Kiel na nakatingin sa akin.

"Okay lang po ako, tito. N-Nag-iisip lang po ako kung ano ang masarap na meryendahin ngayon..." nasabi ko nalang at napakagat-labi.

"Well, I think we have pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and many more. You're free to choose what you want, hija or I'll just ask all of those to the maids?" Natakam agad ako sa mga sinabi niya kaya naman wala na akong nagawa kundi ang tumango na lamang. "Alright. Agnes! Give us here pizza, raspberry cake, tuna sandwich, cheese chips, french fries and all delicious dishes we have." Utos niya at agad naman na tumalima si ate Agnes.

"Manang Agnes is our mayordoma." Biglang sinabi ni Kiel kaya napabaling ako sa kan'ya.

Ah, kaya pala siya 'yung favorite utusan ni tito? Charot lang.

"Ahh..." Nagpatango-tango na lamang ako at nawala na ang atensyon sa sino man nang mailapag na isa-isa ang bawat pagkain na memeryendahin namin.

Wow! Ang sarap naman ng mga ito! Pero wala parin tatalo sa mga cupcake ni nanay ngunit hindi ko rin naman ito aatrasan 'no!

"Kuya! Here!" Mula sa pagkakangiti ay unti-unting nawala iyon at nanlaki ang aking mga mata nang isigaw iyon ni Kiel.

Napapalunok kong ibinaling ang tingin doon at halos kapusin ng hininga nang makita si Kelvin kasama ang babae kanina. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin at tumungo na lamang sa pagkain na nasa pinggan.

"You can go now." Rinig kong sinabi niya pero hindi ko alam kung para kanino.

"Hey, Iza! Gusto mo ihatid na kita?" Narinig ko naman wika ni Kiel kaya napagtanto ko na iyong babae pala ang tinutukoy nila.

Kaano-ano ba kasi nila 'yon? Baka nga girlfriend ni Kelvin, ano? E, bakit naman hindi niya maihatid man lang?

Ay nakalimutan ko, masama nga pala ang ugali niya.

"Thanks, Keiron." Hindi ko na napigilan pa na mag-angat ulit ng tingin pero malamig na titig ni Kelvin ang sumalubong sa akin.

"Pero hanggang gate lang namin, okay? Nagmemeryenda kasi kami, e." Dagdag pa ni Kiel.

Narinig ko ang buntong-hininga ni tito Jershun sa tabi.

Umalis na sa kinauupuan niya si Kiel para ihatid nga siguro iyong Iza at pagkatapos niyon ay nagsalita si Tito Jershun.

"Kier, she's your secretary. Ikaw dapat ang maghatid sa kanya tutal ikaw naman ang nagdala sa kaniya rito and I wonder why is that?" Seryosong ani tito.

Natulos ako sa kinauupuan at nanlamig kahit hindi naman ako ang tinatanong niya.

Pero tama ba ang narinig ko? Secretary daw niya? Huwaat?! Akala ko pa naman ay girlfriend niya! Secretary pero kinakain sya kanina? Anong klaseng secretary 'yon? 

Grabe naman secretary 'yon! Wala ba s'yang pagpapahalaga sa sarili? Ako ang naaawa para sa kaniya, e.

Narinig ko ang pagtikhim ni Kier. "She just brought some papers to me," s inagot niya na alam kong kasinungalingan. "Si Kiel na ang bahala sa kaniya. I'm fucking joining the snacks." Dagdag niya pa at hindi ako makapaniwala.

Taming The Ruthless Billionaire (Billionaire Clan Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon