The Doctor's Series: Reaching You
Chapter 5🐈 CAT
Gusto kong sumigaw. Gusto kong magwala. At mas lalong gusto kong gawin ito ng pareho. Baka napa-praning na ako.
Siguro nga? Nako! Paano ba naman ako hindi mapa-praning kasi isip na ako ng isip na kung paano kung magkasalubong kami ni Dok Peste sa HC. Pero balita ko naman ay sa ibang Hospital siya naka duty ngayon. Actually, mga ilang linggo na nga. Kaso masyado akong advance mag-isip baka mamaya o kinabukasan ay ibinalik na siya rito sa HC.
Hindi pa ako nakakapag-ready ng kuda at mga bars ko para sa kanya.
Pero sino ba kasi ang mag-aakala na kahit nasa forties na si Dok Peste ay...masarap pa rin. Shemay! Laswa mo Cat! Kilabutan ka nga!
Hindi ko nga maiwasan ma-cringe habang naglalakad ako sa hallway kung saan ako naka duty bilang Head Nurse.
Infairness, hindi ko akalain na ang hirap pala ng posisyon ko. Kasi hawak ko na ang lahat ng Nurses. Kung ano'ng oras ang duty nila at kung saan sila ilalagay na ward maging sa Doctor na i-assist nila ay hawak ko na rin ngayon. Nakakapanibago kasi overloaded na nga ako noong hindi pa ako headnurse. Aba,mas lumala.
Pero ang sahod? Nako! The best! Isa ang HC sa pinakamaayos na magpasahod na Hospital dito sa Pilipinas. Iyong sahod na deserve ng pagod mo sa buong duty mo. Kung akong headnurse palang ay napakataas na ng sahod paano pa kaya ang mga Doctor ng HC?
Bumalik ako sa head nurse station ko. Mas more na nasa opisina ako at minomonitor ang mga nurses kung nagagawa ba nila ang pagra-rounds nila ng maayos. Pumapalit lang ako kapag nagbe-break time ang mga nurses. Kahit na ganito na ang ginagawa kong trabaho ay nakaka-miss pala ang maging regular na Nurse.
Nakakamiss yung hindi ka magkaudagaga sa mga gagawin o sa mga pasyente lalo na kung sa OPD at Emergency ka na assign. Pinakapaborito ko ang Nursery ward at Pedia ward dahil puro babies and kids ang nandoon. Sa ngayon ay nagmomonitor nalang ako sa cctv dito sa opisina.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon.
"Head nurse Cat?"
Si Nurse Harmony iyon.
"Yes? Come in lang, Dear." Sabi ko sa kanya.
Nakakatuwa na napaka humble niya kahit na anak siya ng may-ari nitong HC kaya medyo nakaka-intimidate din. Pero isa siya sa top nurse dito hindi dahil sa anak siya kundi dahil talaga sa performance niya sa kanyang sinumpaang tungkulin.
"Pa-fill up daw po." May ibinigay siyang sheet.
Kinuha ko naman iyon at napakunot noo.
"Reproductive Health survey? Why?" Tanong ko.
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko po alam kay Doc, inutos lang po sa akin eh." Wika niya.
Tumango-tango lang ako at kumuha ng ballpen at sinagutan iyon.
Napahinto ako sa bandang tanong sa survey sheet patungkol sa kung kailan ako nagka period at kung nagkaroon na ba ako this month.
Napaisip ako. Regular akong nagkakaroon. Pero bakit limang araw na yata akong delay? Hinihintay ko nga na dumating pero wala pa rin talaga. Naiiling na lamang ako na sinagutan ang lahat dahil naghihintay lang si Nurse Harmony. Nakakahiya naman kung tatayo siya ng matagal.
Nang matapos ako ay ibinigay ko na sa kanya ang nasagutan ko ng survey sheet.
"Salamat Headnurse Cat!" Nakangiting sabi niya at yumukod pa ng kaunti.
Nginitian ko siya. "Walang anuman, nurse Harmony."
Lumabas na siya ng opisina ko.
Kinuha ko ang mga charts at sinimulang pirmahan ang mga papel na nandoon. Kailangan na kasi ng pirma ko ng bawat paper sheet na gagamitin ng mga nurses.
Patuloy lamang ako sa pagpirma nang may mapagtanto ako.
"Hindi ba't ang ina-assist na Doctor ni Nurse Harmony ay si---"
Bigla ay napaharap ako sa monitor at nagtungo sa window site ng mga nurses dito sa HC. Pagka-type ko ng pangalan ni Nurse Harmony ay nag-browse ako ng kaunti patungo sa current Doctor assisting niya. At nabasa ko nga doon na si Doc Rat Velaroza nga ang Doctor na iyon!
Nagtungo siya rito kanina para sa survey sheet at inutos daw ng Doctor.
"Ay shit-!" Napatayo ako bigla.
Ibig sabihin ay nandito na si Dok Peste!
Anak ng tokneneng!
Kaagad akong lumabas. Mabilis akong naglakad patungo sa clinic ni Doc Rat. Dumating na pala ang damuho sa banga.
Nasa tapat na ako ng pinto ng klinika niya. Walang sabi-sabi kong binuksan iyon. Naabutan ko na ibang Doktor at nurse ang nasa loob.
"Bakit po Head nurse?" Tanong ng Doktor.
Doon ko naalala na hindi na pala dito ang clinic office ng Peste. Nasa Annex na pala.
"Sorry po sa distorbo." Isinara niya ang pinto.
Muli siyang nag martsa patungo sa elevator at sumakay doon. Gigil ko pinagpipindot ang Annex building. Pagkarating doon ay muli ako nag martsa palakad. Mabuti at bungad lang ng Annex building ang OB clinic. Dito na inilipat ang mga OB Doctors dahil mas bago ang mga equipment rito gayon din ang mga office ay bagong renovation.
Nasa tapat na muli ako ng Clinic nito na may nakaukit na pangalan na 'Dr. Russel Ashton Tryze M. Velaroza, M.D. OBgynelogist'
Walang katok-katok kong binuksan ang pinto. At nabungaran ko ang hudas! Prenteng nakaupo sa swivel chair niya habang binabasa ang isang papel na panigurado ay ang survey sheet na sinagutan ko.
Pinameywangan ko siya.
"Hoy Dok!" Bulyaw kong bungad sa kanya.
Ibinaba niya ang binabasa at tinaasan ako ng kilay.
"Why are you here? Papa-check up ka na? Basa ko rito limang araw ka ng delay?" Nang-aasar na sabi nito.
Wala akong nakikitang ibang papel na nandoon kundi ang hawak lang niya na papel ko. Ibig sabihin ay ako lang ang nagsagot ng pa-survey niya kuno?! Pati period ko inaalam?!
"Ano bang gusto mong palabasin Dok?! Na buntis ako at ikaw ang ama? Huh? Asa ka." Mataray kong sabi.
He smirked. Then, may kinuha siya sa drawer niya.
"Sige nga, kung matapang ka. Mag PT ka ngayon, Headnurse."
Ipinakita niya sa akin ang ang PT. Bigla akong napalunok at nakaramdam ng kaba. Hindi nga kaya...?
"Based sa calculation, akin yan. And I'm hundred percent sure." Sabi nito sabay kumindat. "Take this now, matapang ka diba?"
Inirapan ko siya. Lumapit ako at table niya at kinuha ang PT.
"Malalagot ka talaga sa akin Dok kapag nag-positive ito!" Gigil kong bulyaw sa kanya.
He just chuckles.
Nagtungo ako sa restroom ng clinic niya at kumuha ng urine cup. Binuksan ko ang pakete ng PT at isinawsaw doon sa urine sample ko. Itinapon ko sa inidoro ang natira kong urine saka itinapon sa trashbin. Nakatalikod muna ang PT. Naghugas muna ako ng kamay.
Lumabas ako ang restroom ay inilagay ko sa ibabaw ng table niya ang nakatalikod na PT.
Pero kabang-kaba na ako. Paano kung positive? Pero kasi...wala naman akong nararamdaman na kahit ano.
"Sabay nating tingnan. Ikaw na ang magbaligtad." Utos ko sa kanya.
Natawa siya at unti-unti niyang binaligtad ang PT.
"Oh, two lines." Sabi niya.
Napatingin ako sa PT. At two lines nga iyon.
Ibig sabihin...buntis ako?
Oh...my gosh!
Bigla ay mawalan ako ng malay.
--
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceSa HC Medical City, hindi maiiwasan ang iringan tuwing nagtatagpo sina Dr. Russel "Rat" Velaroza, ang gwapong OB-GYN, at Clyza "Cat" Villanueva, ang magandang head nurse. Ang kanilang walang humpay na sagutan ay nagbigay sa kanila ng bansag na "cat...