The Doctor series: Reaching You
Chapter 36
🐀 RAT
8 years ago...
For everyday duty as a Resident OB-GYN Doctor. Hindi ko pa rin makita ang purpose ko sa pagtahak sa propesyon na ito na hindi ko naman talaga ginusto una palang. Akala ko kapag nakatapos na ako ng Medicine school ay makakahirit na ako na kung pwede ay mag-Law school na ako dahil napagbigyan ko na sila sa gusto nila. Pero every time na magpapaalam ako ay napangungunahan akonng takot at kaba. Kaya ang ending ay hindi ko nalang sasabihin, hinahayaan ko nalang. Para na lamang akong naging robot. Tapos kung singhalan pa ako ng mga Doktor dito, por que sila ang nagte-train sa aming mga magiging pioneers nitong HC Medical City.
Hindi natuloy ang suspension ko, thanks to Dok Hideo. Kaya nag-sorry na na lamang ako ng malala kay Dok Benito. Ipinaliwanag ko naman na kasama ko si Dok Hideo na uminom. Hindi ko alam kung mas natuwa ba siya o ano dahil sinabi ko naman ang totoo.
"Ashton...please, stop being stubborn, you're a Resident Doctor now, take this seriously."
Saktong nakahinto na kami ni Lesairra sa parking ng simulan niya akong sermunan. Alam ko na hindi sinabi sa kanya ni Dok Hideo ang nangyari dahil magkasama kami buong shift kagabi. For sure, nalaman iyon ng girlfriend ko sa ibang staff ng Hospital.
"Yes...I will not. Don't tell this to Mom and Dad."
"Too late, I'm already told them."
Pinakita niya ang phone niya kung saan na chat na niya sa parents ko ang mangyari. Napapikit na ako at napasapo ng noo. May ikalawang sermon ako mamaya nito, pagkauwi namin sa mansyon.
Hinila ko siya at niyakap. "Sorry na nga kasi..." paglalambing ko sa kanya.
I heard her sighed ay hug me too.
"No worries my Ashton, ako bahala sa Mom and Dad mo. I hope this would be a lesson for you."
"I understand..."
She smiled and hugged me. Mas napangiti ako dahil hindi naman siya mahirap suyuin.
We've been together since we were in Senior High School. And I know we are going more stronger lalo na at pareho na kaming Doctor ngayon.
She is very career oriented, gusto niya na ma fully accomplished muna ang mga pangarap niya before kami mag-settle, and I understand her. I support her whatever makes her happy. I give the love that she deserves, and she gave me the love that I deserves too.
"Let go na? Baka ma late pa tayo sa mga pasyente natin." Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
Nailing lang ako dahil hindi na niya hinintay na pagbuksan ko siya. Lumabas na lamang din ako.
"Be good today, Ashton. Don't gagalit si Dok Benito, okay?"
"Yeah, he's always like that naman."
Sabay kaming sumakay ng elevator pero mas mauuna akong lalabas sapagkat sa 6th floor pa siya, samantalang ako ay ya 4th floor.
Nang nasa clinic na ako ay kaagad akong umupo sa table ko dahil may mga pasyente ng buntis na ang magpapa konsulta. Minsan ay hindi lang naman mga buntis ang kini-cater ko, may nga pasyente rin ako na gusto magpakonsulta ng kanilang reproductive health. Mayroon din for fertility at iba pang mga cases basta patungkol sa mga nabanggit.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceSa HC Medical City, hindi maiiwasan ang iringan tuwing nagtatagpo sina Dr. Russel "Rat" Velaroza, ang gwapong OB-GYN, at Clyza "Cat" Villanueva, ang magandang head nurse. Ang kanilang walang humpay na sagutan ay nagbigay sa kanila ng bansag na "cat...