🐈 🐀 38

2.2K 53 14
                                    

The Doctor Series 3: Reaching You
Chapter 38

🐈 CAT

Nananatili akong nakatulala sa cellphone ko habang patuloy na sini-sink-in sa utak ko ang mga salitang narinig ko mula kay Flynn kanina. Nagpanggap lamang ako na hindi ko narinig sapagkat may nakasalpak na airpods sa tenga ko pero ang totoo ay biglang na-lowbat ang airpods habang nagsasalita siya, nalimutan ko pala itong i-charge kagabi kaya mabilis na nawalan ng connection sa IPhone ko. Napakalinaw sa akin ng mga sinabi niya. 

Huminga na lamang ako ng malalim at umiling-iling. Tunay nga na wala na akong nararamdaman na kahit ano para sa kanya. Kung noon niya ito sinabi malamang ay tumatalon na ako ngayon sa lahat ng pasilyo ng HC. Pero hindi, sapagkat wala na akong makapa na kahit ano espesyal na damdamin para sa kanya. Siguro dahil natanggap ko na hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay niya? Pero ngayon ay naguguluhan ako sa kanya, bakit niya sinabi iyon? Trip niya ba talaga akong paglaruan? Hindi ba siya nakainom ng gamot? Alin lang sa dalawa? Hindi ko alam kung nag-aasar siya. Kaya hindi ko na lamang ito pagtutuunan ng pansin hangga't maaari. 

Masaya na ako sa kinalalagyan ng buhay ko ngayon. Inalis ako ni Russel sa pagiging hopeless romantic na tao. Pwede naman pala akong mahalin ng tama, at siya ang nagparamdan sa akin ng mga bagay na iyon.

Ang mahalin ng tama, mula sa tamang lalaki. Katulad niya...

Ni Russel. 

Kahit na isang linggo siyang naka-leave ay nauunawaan ko ang buong sitwasyon, hindi niya ako pinabayaan kahit na wala siya sa tabi ko ng isang linggo. Alam ko kasi na kailangan niya muna ng personal space, at nirerespeto ko iyon. Lalo pa at lubusan ko ng malaman ang kanyang mga pinagdaraanan noon pa man. Pagkatapos ay napaka giliw at welcoming na pamilya niya na lubos kong kinatutuwa, napunta ako sa mabuting pamilya kahit na ang taas ng estado ng kanilang pamumuhay ay hindi sila matapobre. Akala ko noon ay si Flynn lang ang kilala kong mayaman na mabait, mayroon pa pala at marami pa sila katulad ng pamilya Velaroza.

At isa pa ay hindi pa rin ako sanay talaga gumamit ng Apple phone minsan nga nalilimutan ko kung paano i-connect ang airpods sa phone ko para magkaroon ng sounds. Tapos natatakot pa ako na baka mahulog anytime sa tenga ko kasi nga wala siyang cord na isinasaksak sa phone. Ang mahal pa naman nito kaya iniingatan ko talaga. Hindi ko nalang iisipin o pagtutuunan ng pansin ang mga sinabi ni Flynn. Paninindigan ko na wala akong narinig kasi ganito naman siya noon kapag nagbibigay ako ng mix signals ay parang wala siyang naririnig o nakikita. Hindi ko naman gustong gumanti, pero ganito pala ang pakiramdam na magbingi-bingihan. Nauunawaan ko na siya kung bakit niya ito nagagawa sa akin noon. Sa malamang ay wala pa talaga siyang espesyal na nadarama para sa akin noon, lalo na at resident Doctor siya noon sa isang tanyag na Mental institution. Marami siyang hawak na cases noon na talagang hindi niya tinatantanan hangga't hindi napapagaling ang mga pasyente na hawak niya. Kung ngayon na siya naka-realized, malas niya na hindi na ako pwede. Baka ganito talaga ang tadhana, masyadong mapaglaro. Pati damdamin ng bawat tao ay pinaglalaruan. 

Muling bumukas ang pinto ng opisina ko. Napatingin ako at tila mas lalong nagliwanag ang buong opisina ko pagkapasok ni Russel. Pakiramdam ko ay naraming taon ko siyang hindi nakita, kaya lumapad at mas tumamis ang aking ngiti sapagkat nakangiti rin siyang sa akin.

Sabay naming nilapitan at sinunggapan ng mahipit na yakap ang isa't-isa.

Napakasaya ng puso't damdamin ko dahil maayos na ang pakiramdam niya. Uunawaan ko ang mga may nararamdaman emotionally and mentally. And he deserves an understanding through the people around him. Hindi kailanman naging madali ang pinagdaraanan at nararamdaman ng mga taong may mental trauma.

Napakasarap muli sa pakiramdam na madama ang mga bisig niya nakayakap sa akin. Pakiramdam ko ay nabuo ako muli, kahit na isang linggo lamang siyang nawala sa aking tabi. Ang sarap umibig sa taong pinararamdam sa'yo ang tunay na kahulugan nito. Hindi lamang sa salita kundi maging sa gawa. Hindi lamang ito patungkol sa obligasyon niya, dahil lang sa dinadala ko ang kambal namin. Ito ay patungkol na sa aming dalawa, sa mga puso namin na natagpuan ang isa't-isa. 

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon