🐈🐀14

5.8K 101 19
                                    

The Doctor Series: Reaching You
Chapter 14

🐀 Dr. Rat Velaroza

Habang papunta ako sa clinic ko sa Annex ay natatanaw ko na ang mga buntis na naghihintay sa couch ng receiving area ng Annex. Daig talaga ng Hotel itong Annex ng HC. Nakaka-relax ang ambiance kahit pa na Hospital naman ito. Nakita ko na nginitian nila ako kaya ginantihan ko rin ko rin sila ng ngiti tutal ay lagi na maganda ang araw at mood ko. Nakita ko rin si Harmony na abalang may sinusulat sa Nurse Area. Tabi lamang iyon ng clinic ko.

"Good morning Dok Velaroza." Bati niya sa akin.

"Good morning din sa 'yo, Nurse Harm." Nakangiti kong bati sa kanya.

Tumayo siya sa kinauupuan at sumunod na sa akin dala ang chart niya. Panigurado na hindi na naman siya nagpa shuffle kaya siya pa rin ang assistant ko for this week. Ayan ang privilege niya bilang anak ng may-ari ng Hospital. Maaari siyang pumili ng schedules niya o ng kung sinong gusto niyang i-assist.

"Mukhang napapadalas ang bagong suot natin Dok ah." Wika niya.

Iniabot niya sa akin ang chart dahil nakalista doon ang mga pasyeteng buntis na naghihintay sa receiving area. Pati ang mga records nila ay nandoon.

Napatingin ako sa sarili ko. Ano nga ba ang bagong suot ko? Usual na watch at white polo ko lang naman ang suot ko.

"Ano'ng bagong suot?" tanong ko.

Mas ngumiti siya ng malapad. At tinuro ang labi niya.

"This Dok, you're always wearing your smile na."

"Really?" 

"Oo nga Dok, mukhang may nagpapasaya na sa inyo?" sambit niya habang nagsusulat sa chart.

Sino ba naman ang hindi sasaya kung magkakaanak ka na, kambal pa.

"Yes, I have my happiness now." Nakangiting sagot ko.

"Wow!" she exclaimed.

Lalo lang akong napangiti. Ewan ko ba kung bakit parang gusto kong makita uli si Cat kahit na almost kahihiwalay lang namin sa elevator kanina. Siguro para lamang sa kambal ko. Gusto ko siyang i-check minu-minuto kasi baka ano ang mangyari sa kanya o baka may mangyari sa kanya na hindi inaasahan. Pero para naman akong hibang non.

Tumawag na si Nurse Harmony ng pasyente ko. Napangiti ito nang makita ako. Kabuwanan na niya ngayon baka ngayong linggo o susunod an linggo ay mag labor na siya.

Mayroon din akong case magpapa-check lang sana ay biglang pumutok ang panubigan. Diretso delivery room na iyon.

"What do you feel these past few days?" Tanong ko sa kanya.

"Naninigas ang tiyan ko Dok, akala ko humihilab na pero nawawala rin naman." Sagot niya.

"You experiencing Braxton's hicks. Kumbaga nagpe-prepare na ang pelvis mo for labor. But still, be alert always. Because sometimes may mga buntis na akala nila ihi lang pero nun pala panubigan na." Paliwanag ko. Ang risky kasi ng mga case na nahawakan kong ganoon dahil nauubusan ng panubigan. Kaya ang tendency ay magiging mas mahirap ang panganganak.

"Sige po Dok, tatandaan ko po 'yan."

Nagsulat ako sa record paper. "May vitamins ka pa? Reresetahan na kita ng evening primrose to soften your cervix. You may take this three time a day morning, afternoon, and night time." Sabi ko saka nagsulat sa rx paper.

"Yes po Dok, may mga vitamins pa po ako, but in any case po pwede po pa ba magpa schedule ng emergency caesarian section if hindi ko po nakaya mag labor?" Tanong niya.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon