🐈🐀 1

15.8K 185 42
                                    

The Doctor's Series 3: Reaching You

🐀Russel Ashton Tryze 'Rat'

HC Medical City

Dr. Rat Velaroza, OBGyne, M.D.

"Congratulations, Mrs. Melody Aidelle Zabarte your first baby is a healthy baby boy." Nakangiti silang nakatingin sa monitor ng asawa niyang si Mr. Hendrick Javadd Zabarte. Today is the schedule para malaman if ano ang gender ng baby nila. And they're look so happy.

"Kita mo! Tama ang pusta ko, humanda ka sa akin mamaya. Gusto mo pa baby girl ah. Mas magaling ka pa kasi samin ni Mom?"

Niyakap lang ni Mr. Zabarte ang asawa niya.

Masaya naman ako for both of them.

Kaso lang...

Ang sakit nila sa mata. Seriously, pwede naman mag-drama ng ganyan pagkalabas ng clinic ko. Kaya minsan ayoko rin na pinapasok ang asawa ng buntis na pasyente ko para hindi ako nakakakita ng mga ganitong eksena.

After that ay niresetahan ko na si Mrs. Zabarte ng mga dapat niyang inumin na vitamins para maging healthy ang baby boy niya. At ni-schedule ko siya for the next pre-natal check-up.

"Thank you so much Dr. Velaroza, sabi nila you're the best OBGyne here."

Tinanggap ko ang pakikipag-shake hands ni Mr. Zabarte.

"It's proven and tested," sagot habang nakangiti.

Pero sa loob ko, ay talagang ako lang dahil wala namang kwenta ang ibang OBGyne dito dahil kapag ako na ang nakita ng mga buntis ay lumilipat na sila sa akin. Mayroon pa, mga nagpapanggap na buntis para lang makita at makausap ako.

Aware naman ako na matipuno at gwapo ako pero kasi, masyado silang halata. Kaya madalas ay nakakaira.

Nice ako sa mga babae na may dinadalang miracle sa kanilang sinapupunan. Sila ang mga babaeng dapat iniingatan. Kaya gusto ko minsan upakan ang mga lalaking tinatakbuhan lang ang mga nabuntis nila. Lalo na kapag may mga pasyente akong na-interview ko at minsan mga single mother na mga pinabayaan ng mga partner. Yung mga tipo ng lalaki na after nilang masarapan ay magkakaroon na ng fun run. Mga peste ng lipunan.

Pinangarap ko na rin maging ama. Kaya nga wala akong girlfriend, retired na rin ako sa pagiging womanizer. I'm so done with those women. I love the idea na maging ama but sad to say hindi pa ito ang oras at tamang panahon. Marami pa akong kailangang tapusin.

Pagkaalis nila Mr. and Mrs. Zabarte ay pumasok naman ang isang Intern Nurse.

"What do you want?" rude kong bungad sa kanya.

"May manganganak na po, nasa delivery room na po," she said in calm tone. Nasanay na yata sa pagiging rude ko.

I just nodded.

"You may go."
Tumayo ako at saka siya lumabas mg clinic ko.

Habang naglalakad ko sa pasilyo ng hospital patungo sa delivery room ay napapansin ko ang mga napapa walling na mga Nurses kapag nakakasalubong ako. Yung iba nga ay nagbubulungan pero dinig ko naman. Parang mga sinto. Nakakairita talaga.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon