The Doctor series 3: Reaching You
Chapter 40🐈CAT
A few days after...
Ito na ang sandaling pinakahihintay ko para kay Russel. Sabay kaming gumising ng maaga. Talagang ramdam ko na ang timbang ng pagbubuntis ko. Lalo na at kambal ito.
Ngayon ang araw ng entrance exam niya at sa sobrang excited ko ay halos hindi rin ako nakatulog dahil na rin ang likot na ng kambal sa tiyan ko. Mas magalaw sila kapag madaling araw na at nagigising talaga ako. Napakasaya ko pa rin matapos ng baby shower na nalaman namin an babae at lalaki ang magiging nga anak namin ni Russel.
Labis din ang tuwa nang mga magulang ni Russel at siyempre nila Inay at Itay na siyang nasa Ilocos Norte. Mas lalo silang na-excite para sa kanilang unang apo na kambal. Mabuti nalang talaga talaga at nakapaghanda na kami ng pangalan ni Russel para sa kanila. Bale, sa baby boy at siya ang nag-isip. At sa baby girl ay ako naman ang umisip. Parehas naman naming nagustuhan ang mga naisip naming pangalan para sa kanila. At dahil tumitimbang na sila kaya baka next week ay mag-leave na ako para na rin mapaghandaan ang panganganak ko. Nakaplano na magtutungo ako ng Ilocos pagtungtong ng tiyan ko ng seven months. Gusto ko muna makalanghap ng sariwang hangin bago ako manganak, at upang makasama na rin ang pamilya ko kahit mga dalawang linggo lang. Pumayag naman si Russel pati ang parents niya, dahil pinagpaalam namin ito. Ihahatid na lamang niya ako at siya rin daw ang ang magsusundo sa akin kung sakali. Kaya mas na-excite ako. Kasi sobra ko rin na-miss si Inay at Itay, lalo na ang Lolo at Lola ko na sa awa ng Diyos ay maaabutan ang kanilang kambal na apo sa tuhod.
Napangiti ako matapos kong tasahin ang tatlong lapis na gagamitin ni Russel. Inilagay ko ito cute na kuromi design na pencil case. Nagustuhan naman niya dahil ang cute daw ni kuromi. Pati ang babasaging tumbler niya ay kuromi din ang naka-print. Ako ang nag-prepare ng mga snacks at lunch niya mamaya doon. Kahit na ang ikli lamang ng preparation niya para sa entrance exam na ito pero nagtitiwala ako na makakapasa siya, sapagkat ito naman talaga ang orihinal na pangarap niya. Ipinasok ko ang lahat ng ito sa bag na gagamitin niya. Sinabi ko sa kanya na dapat may sapat siyang tulog bago mag-exam dahil upang hindi siya antukin. Ganoon kasi ang ginagawa ko noon. Lalo na nung Nursing board exam. Isang linggo bago ang exam ay natutulog lang ako at hindi nagbubukas ng notes. Pinananatili ko lamang na relaxed ang utak ko. And that's it. Nakapasa ako, top notcher pa. Ako lang talaga ang medyo hindi nakatulog dahil na rin sa dalawang nagre-wrestling sa loob ng tiyan ko.
Napangiti ako nang maramdaman ko siya mula sa likuran ko, sabay niyakap ako habang nakahawak din sa tiyan ko. Tahimik ang babies namin porke tatay nila ang humahaplos. Kala mo kung sinong mga behave. Kaya tawang-tawa si Russel lalo kapag nahuhuli niya na sumisipa ng sabay ang mga babies namin. Iyong isa sa pantog ko tapos iyong isang naman ay sa ribcage ko. Talaga nga naman.
"Next week, naka schedule na ang maternity shoot mo. Kaya bukas mamimili tayo ng mga susuotin mo sa shoot."
Humarap ako sa kanya at napangiti ng matamis. Kahit kailan talaga ay napakabilis niya talaga kahit kailan. Naihanda na rin pala niya ang maternity shoot ko bago ako umuwi ng Ilocos Norte. Next week kasi nasa seven weeks na ang tiyan ko.
"Oo na, pero mas gusto ko mag-focus ka rito ha? Wag kang madi-distract sa kahit ano." Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Yes, I will remember that." Ginawaran niya ako ng halik sa noo. Pagkatapos ay yumukod siya upang i-kiss din ang tiyan ko. Kaya gumalaw na naman ang babies namin.
"Goodluck, our future Doctor-Lawyer, Daddy."
Ngumiti siya ng sobrang tamis. Ako naman ay talagang kinikilig kapag nginingitian niya ako ng ganyan.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomansaSa HC Medical City, hindi maiiwasan ang iringan tuwing nagtatagpo sina Dr. Russel "Rat" Velaroza, ang gwapong OB-GYN, at Clyza "Cat" Villanueva, ang magandang head nurse. Ang kanilang walang humpay na sagutan ay nagbigay sa kanila ng bansag na "cat...