The Doctor Series 3: Reaching You
Chapter 17🐀 Doc Rat Velaroza
Nasa clinic ko na ako nang maisipan kong tawagan si Taleng upang kumustahin sila ni Cat sa condo. Si Taleng ang anak ng mayordoma namin. Siya ang naisipan kong ipadala sa Condo dahil alam kong hindi mabuburyo si Cat sa kanya. Napakadaldal niya kasi.
Kaagad niyang nasagot ang video call.
"Ser Rat! Baket pu?" Bungad niya. Mas nagulat ako dahil lapit na lapit ang pagmumukha niya si screen.
"Nasaan si Ma'am Cat mo? Kumusta kayo d'yan?" tanong ko.
"Ay! Tolog pu si Ma'am Cat Ser. Pagkatapus po namen kumaen ng tanghalean natolog na siya." Sabi niya.
"Pwede ba Taleng idiretso mo 'yang dila mo. Kundi hihilahin ko 'yan." Iritang sambit ko, hindi na nasanay rito sa Luzon.
"Ay suri naman Ser. Hetu- i mean heto na nga eh. Diretso na." Pagtutuwid niya sa salita niya.
"O sige, tawagan mo nalang ako pag may nangyari dyan ha?" Bilin ko sa kanya.
"Sege Ser, peru ponta muna pu ako sa convenience store magpapadala pu.
"Go on, bilisan mo lang ah?"
"Yis ser!"
Nag-end na ang video call. Gumaan naman ang loob ko na malaman na tulog lang ngayon si Cat. Binilinan ko talaga si Taleng na wag stressin si Cat kundi ay hihilain ko ang dila niya. Napakadaldal pa naman non kahit kailan at numero unong tsismosa sa mga katulong namin. Hindi nawawalan ng sasabihin minsan ng may mga bagay na mas una niya pang nalalaman kaysa sa akin.
Muli akong tumingin sa mga hinabasa kong records ng mga pasyente ko. Bigla naman ay pumasok si Nurse Harmony. Napatingin ako sa kanya.
"Dok, emergency, your patient nag early labor kahit hindi pa due." Sabi nito.
Kaagad akong napatayo. "Patient name?" Tanong ko.
"Actually Dok, hindi mo siya pasyente. Pinapasa po sa inyo hindi daw po niya kaya ang case na ito." Sabi niya.
Napatingin ako sa kanya. And I arched my left eyebrow.
"Anak ng- humanda sa akin ang Doktor na 'yan mamaya." Sabi ko at nagmadaling lumabas.
Siraulong Doktor Alvarez. Paano naging Doktor ang duwag na 'yon? Kapag talaga nakita ko siya mamaya ay sasampalin ko ang leeg.
Dinala sa delivery room ang pasyente kaya doon na ako dumeretso. Kinuha ko ang chart kay Nurse Harmony at binasa ang mga naging records niya kay Doktor Alvarez. Sa unang trimester ay naging maselan ang pagbubuntis ng pasyente kaya binigyan ng pampakapit at pinag bed rest kaya naging maayos ang second trimester. Ngayon ay 33 weeks palang ang pasyente at pumutok na ang panubigan at nag early labor kaninang umaga. Pero parang may mali.
"Ano ang huli mong naaalala na ininom mo bago humilab ang tiyan mo?" Tanong ko sa kanya."
Pinilit niya akong sagutin kahit nahihirapan. "Iyon...maternal milk ko...Dok." sabi niya.
"Sinong nag serve? Kasi mukhang may pampalaglag ang ipinainom sa iyo." Sabi ko.
Lahat ng kasama ko sa loob ay nagulat. Sa tagal kong Doktor ng mga buntis ay alam ko na kung uminom ng pampalalag. Force raptured kasi ang cervix niya nang i-IE ko kanina.
"Yung... Byenan ko po Dok..." Sagot niya.
"Okay, let's sue her after this. We need to do an emergency caesarian section for you. Don't worry nakahanda ang na ang NICU for your baby." Sabi ko with assurance.
BINABASA MO ANG
The Doctor Series 3: Reaching You
RomanceSa HC Medical City, hindi maiiwasan ang iringan tuwing nagtatagpo sina Dr. Russel "Rat" Velaroza, ang gwapong OB-GYN, at Clyza "Cat" Villanueva, ang magandang head nurse. Ang kanilang walang humpay na sagutan ay nagbigay sa kanila ng bansag na "cat...