🐈🐀 16

5.7K 101 48
                                    

The Doctor Series 3: Reaching You
Chapter 16

🐈 Cat Villanueva

Parang mas naglilihi pa siya sa akin kasi nagsusungit siya. Hindi nga kaya? Hindi bale napatunayan naman na minsan ay mga lalaki ang naglilihi. Ako kasi ay ayaw kong mainis sa kahit na ano dahil nakaka-stress iyon. At bawal ako ma-stress.

Tahimik na siyang tumitingin sa menu book ng restaurant na pinuntahan namin. Mukhang regular customer na siya rito dahil kilala na siya ng mga staff. Kinuha ko na rin ang menu book at binasa ang mga pagkain na nandoon.

Parang gustong umurong ng bituka dahil sa mga presyong nabasa ko. Pati tubig ang mahal saan ba galing ang tubig rito? Sa bukal ng langit?!

Napapalunok na lamang ako. Garantisadong masasarap ang mga pagkain rito pagkamahal ba naman. Gusto ko na nga sabihin kay Rat na kahit sa mga fast food nalang kami kaso baka mabulyawan ako. Elitistang tunay.

"Don't mind the price, pumili ka d'yan ng gusto mo kahit ano." Biglang sabi niya habang nakatingin pa rin sa menu book.

"O...sige," sabi ko nalang.

Kasi naman!

Kaya binuklat ko pa ang kabilang page ng menu book at tumingin ng sa tingin ko ay magugustuhan ko. Nang nasa list ako ng mga soup ay ito ang nagustuhan ko. Grabe, congee? Diba lugaw lang ito? Bakit pagkamahal naman rito! Pero ito ang gusto ko eh siguro ginto ang gamit na bigas kaya mahal. Mga soup din ang gusto ko nitong mga nakaraan kaya baka ito ang gusto ng kambal.

"Nakapili na ako," sabi ko sa kanya.

Nag senyas siya na siyang kinalapit na waiter.

"Sabihin mo sa kanya ang nagustuhan mo," sabi niya sa akin. Isinara na niya ang menu book niya.

"Itong congee in lobster meat," sabi ko sa waited at itinuro ang order ko. Tumango ito at isinulat ang sinabi ko.

"Are you sure? Iyon lang?" Tanong pa rin niya.

"Eh... Oo..."

Nangingilo talaga ako sa mga presyo na nababas ako.

"Okay, I've got you then," sabi niya.

Sa kanya naman lumapit ang waiter. Nagsabi siya ng mga o-orderin niya na hindi ko rin maintindihan kung ano ang mga iyon pero siguro mga apat na dishes iyon. Gutom ba siya masyado?

"In-order ko ang mga the best dishes here dahil gusto kong matikman mo- I mean ng kambal." Segway na sabi niya. Kala naman niya hindi ko narinig.

"Ah ganun ba... Salamat," sabi ko nalang.

"Tomorrow sa ibang clinic ako naka duty, but don't worry five hours lang ako doon." Paalam na sabi niya.

"Wala naman problema 'yon. Half day lang ako bukas then next day ay day-off ko."

"Sige noted 'yan."

Maya-maya ay dumating na ang mga in-order namin. Napalunok ako dahil sa ganda ng presentation ng mga pagkain. Hindi ako nagtataka kung bakit ginto ang mga presyo nito.

Pinaghiwa niya ako nung parang steak at nilagyan ang plato ko, sunod ay yung isang dishes na may seafoods. Kumuha siya ng prawns tapos ay binalatan at inilagay rin sa plato ko. Sa ibang dished naman ay mga veggies at salads. Pagkakumpleto niya nang mga iyon ay ibinigay niya sa akin ang plato ko.

"Taste it all, kung ano ang magustuhan mo ay bibigyan pa kita."

This kind of gesture of him. Lakas ng impact sa akin. Bakit ganito.

Tinikman ko lahat ng iyon at wala ngang duda na ang sarap lahat. Hindi tuloy ako makapili.

But at least nang maubos na namin ang mga in-order ay nagpahinga muna kami saglit pagkatapos ay nasa sasakyan na kami uli para umuwi na.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon