🐈🐀 21

4K 82 22
                                    

The Doctor Series 3: Reaching You
Chapter 21

🐀 RAT

"Ano'ng halaman?" Tanong ng babaeng praning.

Tinuro ko ang nasa paso na halaman pagkalabas namin ng elevator.

She frowned. Nakakatuwa siyang asarin.

"Gusto kong may puntahan kasama ka." Sabi niya.

"San?" Sagot ko at patungo na sa sasakyan upang pagbuksan siya.

"Santan." Sabi niya sabay binelatan ako.

"Haha. Funny." I rolled my eyes.

Sa totoo lang ay narinig ko lang kay Mice ang Ha? Halaman o kaya Ha? Hakdog na 'yon. Madalas niya kasing sabihin sa katawagan niya na hindi ko naman malaman kung sino. Napagaya tuloy ako lalo na sa mga lutang kausap.

"Oh diba? Nakakabwisit?" Sabi niya.

"Psh, pasok na." Sabi ko habang hawak pa rin ang pinto ng sasakyan. Sumakay siya habang natatawa pa rin.

Pumasok naman ako sa driver's seat. Napatingin ako sa kanya habang pinapagana ang sasakyan.

"Baka may gusto kang puntahan o pasyalan just tell me." Tanong ko.

"Wala naman, gusto ko na umuwi at magpahinga." Sagot naman niya.

"Okay." Sabi ko saka pinaandar ang sasakyan.

Pareho kami na gusto na rin magpahinga dahil aminado ako na napagod ako sa medical mission kanina. Mga ano'ng oras na kami natapos kaya nga ngayon ko lang siya nasundo pero masaya naman ako nakapagbigay ngiti sa mga nagpuntang mga tao kanina. This is anual at taon-taong ginagawa ng HC. Pero ang makita ko siya matapos ng maghapon na nasa maayos na kalagayan ay parang napapawi ang pagod ko.

Pagkadating namin sa unit ay sinalubong kami ni Taleng. As usual ay may nakahanda ng hapunan para sa amin. Pero si Cat ay dumeretso muna sa kwarto niya para yata magbihis. Ako ay parang dito na rin siguro magpalipas ng gabi. Pagod na rin ako upang umuwi sa mansyon.

Pagkapos magserve ng makakain namin si Taleng sa lamesa ay bumalik siya sa panonood sa salas. Mahilig talaga siyang manood ng K-drama.

"Hindi ka ba sasabay Taleng? Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ay Ser! Opo, tapos na. Nasa exciting part na po ako ng kdrama eh." Sagot niya.

Nagsalin ako ng tubig baso at nakinood sa television. Mukhang sikat nga ang pinapanood niya dahil nakikita ko rin na pine-play ang kdrama na 'yan sa mga TV ng HC.

"Ayan na... Ayan na.... Lagot kang kabet ka!" Hindi maiwasang maisaboses ni Taleng.

Himala yata na tuwid siya magsalita ngayon. May crush siguro siya. Ganyan yan kapag may gustong lalaki. Tumutuwid ang dila.

Na-engross na din ako sa panonood dahil nga mahuhuli na nga ng bida na may kabet ang asawa niya. Pinakahawakan ko lang ang baso.

Nang buksan na nga ng bida ang cellphone ay bumungad nga sa screen non ang asawa at kabet nito. Napatili tuloy si Taleng.

Nailing naman ako. Pagkatingin ko sa gilid ko ay halos mapatalon ako sa gulat dahil nakatayo lang doon si Cat. Naka crossed-arms siyang nakikinood din ng kdrama.

"Kanina ka pa ba d'yan?!" Napahawak ako sa dibdib ko. Nagiging nebyoso ako. Maiwasan na nga ang kape.

"Mga lalaki talaga, hindi mga loyal. Hindi makontento sa isa, mahilig magbigay ng motibo, pine-friendzoned ka pa, mga manloloko, mga paasa, mga walangya!" Gigil na wika niya.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon