🐈🐀6

6.8K 110 11
                                    

The Doctor's Series: Reaching You
Chapter 6

🐀 RAT

Napairap ako nang makita kong humandusay si Headnurse Cat. Mabuti at carpeted ang floor ang clinic ko kundi kanina pa ito nabagok.

Tumayo ako at saktong bumukas ang pinto. Si Nurse Harmony iyon.

"Hala ka? Nurse Caaaat!" Kaagad nitong dinaluhan si Headnurse Cat.
"Bakit hinimatay Doc?!" Tanong niya.

Nagkibit balikat ako. "Malay ko, baka nahimatay sa kagwapuhan ko." Nag whistle pa ako.

Kunot noong napatingin sa akin si Nurse Harmony. Puno ng pagdududa.

"Weh? Dok?"

I sighed at ako na ang bumuhat kay Head nurse Cat at inihiga siya sa bed ng clinic ko.

"She just fainted, baka nahilo lang o napagod." Sabi ko.

Nag-check din siya ng vital signs nito.

"Yes Dok, normal lang po mga vitals niya. Mataas ang pulse rate niya baka dahil sa palpitation. Ginulat mo ba siya Dok?" Tanong niya muli.

Nagkibit balikat ako. "Ewan, marami namang nahihimatay at napa-palpitate sa kagwapuhan ko eh." Sabi ko at nag crossed-arms.

Umasim lalo ang ekspresyon ni Nurse Harmony.

"Makalabas na nga ako Dok, baka lumakas lalo ang bagyo rito sa clinic mo."

Lumabas na siya na clinic ko. Nagkibit balikat ako at napatingin kay Nurse Cat.

Unti-unti ang nagkakamalay na siya. Bigla siyang napatayo nang makita ako.

"Sabihin mo! Hindi totoo diba?! Nananaginip lang ako ng gising! Tulog ako eh! Oo! Baka nasa isa akong panaganip!"

Nahiga siya muli at pumikit.

Nakaface-palm lang akong nakatingin sa kanya. Kinuha ko sa pocket ng suit ko ang pregnancy siya test. Nang magmulat siya muli at ibinungad ko sa kanya iyon.

Bigla siyang tumili.

"AHHHHH HINDEEEE!"

I rolled my eyes. Napaka OA naman nito.

Bumaba siya sa kama ng clinic ko at tila praning pa rin na naguguluhan.

Lahat naman yata ng babae ay praning. Pero pinakamalala yata itong si Headnurse Cat.

"Isa lang yan! Maaaring hindi yan accurate! Susubok pa ako ng iba!"

Inarkohan siya ng isang kilay. "Minamaliit mo ba ang ginawang pregnancy test ng Laboratory ng magulang ko? Ito lang ang nag-iisang may hundred percent accuracy na pregnancy test sa buong Pilipinas."

"Wala akong pake Dok! Basta! Mag-te-test ako ng sarili ko! Ibang brand! Bye!"

Bigla ay lumabas na siya. Ibinagsak pa ang pinto ng clinic ko. Napatingin ako sa uli sa pregnancy test na hawak ko. Humanda siya sa'kin kapag hindi siya bumalik bukas for prenatal check-up.

But at least I need to know now. Mahirap na baka ano pa maisipan niyang gawin. Praning pa naman. Hays.

--
🐈CAT

Hingal na hingal ako nang makabalik ako sa sarili kong station. Hindi pa rin ako makapaniwala. Tama nga naman, never ako naging irregular sa tanang buhay ko. Buong akala ko lang talaga ay lang stress ako.

Pagkatingin ko sa orasan ay saktong ilang minuto nalang ay out ko na kaya madali akong nagtungo sa locker room ko at kinuha ang bag ko. Nagtungo na ako sa time monitor finger scanner upang makapag time out na. On time na akong nag scan. Saka nagmamadaling isinunot ang jacket ko. Malamig na kasi sa labas dahil ber months na.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon