🐈🐀22

4.4K 71 19
                                    

The Doctor series 3: Reaching You
Chapter 22

🐈 CAT

Ba't nagising ang lola niyo ng masaya? Malamang sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ganito kagwapo ang bubungad sa iyo pagkamulat ng mga mata mo.

Ba't nagising ang lola niyo ng masaya? Malamang sino ba naman ang hindi magiging masaya kung ganito kagwapo ang bubungad sa iyo pagkamulat ng mga mata mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dahil ayaw kong ipakita ang kilig ko kaya nagtalukbong ako uli ng comforter. Oh, sosyal ang bessy niyo kasi hindi na nakakumot kundi comforter na ikaw ba naman ang kwarto eh dalawa ang split type aircon tapos may ceiling fan pa na chandelier hindi ba naman na mala Antartica ang lamig diba?

Pero sandali? Bakit nga pala nandito sa kwarto ko itong si Russel? Dito ba siya natulog kagabi?! Kasi akala ko nung nakatulog na ako kakatitig sa kanya ay umalis na siya. Wait? Baka naman nagha-hallucinate lang ako? Minsan talaga kapag sobrang kakaoverthink ko ay nababaliw talaga ako tulad ngayon.

Kaya inalis ko ang pagkakataklob ko sa comforter. Siya pa rin ang bumungad sa akin at naka crossed arms na siya.

“Bangon na, kailangan mo na mag-almusal, iinom ka pa ng mga vitamins mo tapos may mga pupuntahan tayong mga seminars at workshops ngayon.”Sabi niya.

“Huh? Saan naman? Day-off ko kaya ngayon gusto ko lang humilata maghapon eh.”Sagot ko at walang kyeme na nag stretching ng mga braso.

“Tapos ano? Maghapon na hindi ka maliligo at suot mo ang pajama mo hanggang gabi?” Wika na niya na may kasamang pang-aasar.

Napanganga ako. Kita mo ang lalaking 'to?!

“Hoy, grabe ka ah. Kay aga-aga daig mo pa ang Inay ko magtalak d'yan ah.”Pinameywangan ko siya.

Kasalanan ko ba na sobrang lamig at bango ng buong unit na ito na mukhang hindi napapasukan ng mikrobyo o bacteria dahil totoo naman na kahit hindi ako maligo maghapon ay hindi ako nangangamoy. Palibhasa kasi silang mga wala sa third world country ay kala mo galit na galit sa konting dumi.

Pero mukha namang hindi siya maselan. Baka hygienic lang talaga na sa sobrang sungit niya pati ang mga mikrobyo ay nagsisiiyakan.

“Kasi nga ano'ng oras na. Past seven na dapat ka na mag breakfast kasi you almost skip the almusal. Don't skip morning meals.” Saad niya.

Jusmeyo, past seven palang naman pala. Talaga nga naman oh. Iba talaga kapag nasanay na sa sariling apartment na gigising lang ako at babangon kapag ginusto ko na. Pero alam ko na iba na ngayon dahil may dinadala akong kambal.

“Heto na, babangon na po.”

Tumayo ako at pinakiramdaman ang sarili. Mabuti naman at hindi na ako gaano nag morning sickness. Unlike nito mga nakaraang linggo. Siguro dahil na rin sa mga iniinom kong vitamins. Mabuti hindi ako ganoon kaselan kasi nilalamon ko lahat ng pagkain. Ganito yata talaga kapag kambal ang pinagbubuntis lahat gustong kainin pero wag lang sobra dahil naka monitor din sa tatay nila na OBGyne ang lahat ng vitals ko maging ang weight ko even my blood pressure, sugar, kulang nalang yata pati lahat ng laboratory test. Sabi ko wag naman ganoon ka OA kasi Nurse naman ako na papunta na nga sa veteran. Kaya nga madalas ko siyang nakakaaway noon. Kasi lagi talagang nagbabangayan ang Veteran nurse at Doctors.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon