🐈🐀19

6.6K 105 82
                                    

The Doctor Series: Reaching You
Chapter 19

🐈 Cat Villanueva

Naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko. Napamulat ako at bilugan ang mga matang nakatingin sa kanya habang magkalapat pa rin ang aming mga labi.

Ano'ng nangyayare?! Bakit niya ako hinahalikan!

Nanatili akong hindi makakilos dahil sa gulat. Pero sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang magiging reaksyon ko dahil hindi ko akalain ito.

Nang ilayo na niya ang labi niya sa labi ko ay napatitig siya sa akin.

"Sorry, may ice cream kasi ang gilid ng labi mo. Wala akong tissue. Kaya hinalikan nalang kita para maalis." Paliwanag  niya.

Napalunok ako at napatulala lamang sa sinabi niya. Oo...wala ngang tissue pero...

"Panyo... Diba may panyo ka?" tanong ko. Napayuko ako dahil sa pagkailang.

Napakapa siya sa bulsa niya. At may nahawakan nga siyang panyo doon. Alam ko na lagi siyang may dalang panyo dahil halata iyon sa bulsa niya.

"Oh shi— I forgot meron pala." 

Lalo akong nailang kaya bigla ko na lamang siyang hinampas sa braso.

"Ikaw ah!" 

Ako pa talaga ang nahiya sa kagagawan niya.

"Whoah! Easy, sabi ko naman sayo may ice cream ka sa labi bakit ba kasi ganyan ka kumain ng ice cream?" Saad niya.

Ako pa talaga ang sinisi?!

"Hoy Dok! Pwede mo naman sabihin?!" pagmamaktol ko.

Grabe nakakailang halik na ba siya sa akin? Puro nakaw lahat! Nakakainis!

Gaga! Nung nag make chenenus kayo hindi mo naman mabibilang 'yon dahil nasasarapan ka non!

Nailing-iling ako sa pumapasok na naman sa isipan ko. Bakit ba kasi bigla iyon nagpa-pop up sa isipan ko. Nakakaloka naman!

"Paano kung gusto naman talaga kitang halikan?" tanong niya.

Gulat akong napatingin sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo d'yan, pagod lang 'yan! Tara na nga bumalik na tayo sa unit." Napatayo na ako.

Mabuti nalang at malapit ang trash bin. Nagtungo ako doon at itinapo. Ang cup ng ice cream. Kasalanan ng ice cream ito eh!

Itinapon na rin niya ang kanya. Nauna akong naglakad sa kanya at alam kong sumusunod lang siya mula sa likuran ko. Hindi na alam ang iisipin ko kung nanti-trip lang siya o ano pero parang sasabog ang puso ko sa kilig. Hindi pwede ito!

Nakayuko lang ako habang nasa elevator kami. Ewan ko pakiramdam ko pulang-pula ang pisngi ko.

Pagkarating namin sa unit ay mabilis akong pumasok sa kwarto ko at isinara ang pinto.

"Goodnight! Maaga pa pala duty ko bukas!" Sabi ko sa kanya.

"Okay, goodnight." Sagot niya mula sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Napatakim lang ako ng bibig at mabilis na nagtungo sa kama ko. Tinakpan ko ang sarili ko ng unan at doon tumili. Kasi naman kanina pa gustong sumabog nitong nararamdaman ko na hindi ko alam kung tama ba o ano.

Kahit na hindi naman sobrang aga ng duty ko pero sinabi ko na maaga ako matutulog pero dapat naman talaga ang buntis ay hindi nagpupuyat.

Kinaumagahan bago ako lumabas ng kwarto ay naligo muna ako at nagbihis ng pang duty na Nurse uniform. Mabuti at hindi na ako gaano nakakaramdam ng morning sickness dahil na rin siguro relax ako bago matulog. Pagkalabas ko ng kwarto ay si Taleng ang nakita ko sa kusina.

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon