🐈 🐀 29

2.5K 50 12
                                    

The Doctor Series: Reaching You

Chapter 29

🐈 CAT

Maaga akong nagising sapagkat maaga rin na nagising sila Nanay at Tatay upang mag-empake ng kanilang gamit sapagkat kailangan na nilang bumalik sa Ilocos Norte. Napakasaya ko na nakasama sila kahit sa maikling panahon lamang. Lalo pa at alam na nila ang tunay na kalagayan ko rito. Hindi ko na kailangan mag-isip araw-araw sa kung paano ipagtatapat sa kanila na ako'y buntis sa isang pinaka gwapong Doktor sa balat ng lupa.

Uy! Si O.A.

Pero totoo naman!

Kanina nang magising ako ay tiningnan ko kaagad ang chat box ko. At mayroon nga siyang message sa akin.

Rat Velaroza (Private account)

Darling, good morning. I'm awake now, drinking my brewed coffee but the truth is... I can't sleep so well here at my room anymore because I miss you already. Mamaya talaga d'yan ako matutulog. Miss na kita yakapin. Take care pala sa biyahe nila Mom at Dad mo, I'm so sorry kung hindi ko sila maihahatid because of this scheduled Medical Mission but don't worry may inutusan ako na Driver namin na naghahatid sa kanila pa Ilocos Norte. Once again, pakisabi thank you sa kanila at next time tayo naman ang dadalaw sa kanila.

You, my Darling Cat. Take care sa duty puntaham kita agad after ng Medical Mission. 😘

sent 3:10 A.M.

Grabe?! Kung maaga kami nagising dahil alas-singko palang ay mas maaga pala siyang nagising? Sino ba naman ang hindi kikiligin rito at kay aga-agang kay tamis ng mensahe niya. Nanindigan talaga siya na 'Darling' na ang itatawag sa akin.

Nako! Dok! Tuluyan mo nalang ako!

Tuluyan mo na akong mahalin!

Mga ilang minuto pa rin akong nakangiti na parang timang habang nakatitig sa chat niya. Hirap talaga kapag online chat lang, hindi ko mahila at mahalikan.

Oo! Ako na ang kusang hahalik sa kanya kung araw-araw ba naman akong pakiligin ng ganito!

"Astelina? Anak? Napaano ka?" napalingon ako kay Nanay. Kanina pa niya siguro napansin na nakangiti.

"Ay! Nay, wala po, ano po kailangan niyo ni Tatay?"

"Wala naman na anak, gumaan ang aming dalang bag dahil lahat ng pasalubong namin sa'yo ay nandito na."

Napangiti ako at niyakap siya. Si Tatay ay nasa restroom pa at naliligo. Mabilis lang naman akong kumilos kaya pagkatapos kong maligo at magbihis kanina ay nagtimpla ako ng kape para sa kanila. Ang kape na tinimpla ko ay siyang dala nila galing pa sa amin kaso dahil nga ako ay buntis ay hindi ako pwede sa caffeine. Pero dahil alam ko na mahilig sa kape si Russel ay baka sa kanya ko nalang ibigay. Magdadala rin ako sa Unit namin para sa mga Nurses na gustong magkape. Madami ding dala na mga delicacies sila Nanay at Tatay tulad ng mga otap, biscocho at tart candies na siyang paborito ko na pinapasalubong nila sa akin. Pwede naman akong kumain ng mga ito pero in control lang dahil bawal tumaas ang blood sugar ko. Bulyawan pa ako nung isa. Papatikimin ko nalang si Russel ng mga ito.

"Salamat Nay, sa pagdalaw." Malambing na sambit ko.

Sobrang bitin kasi ng halos wala pang isang araw na nandito sila. Naramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.

"Ikaw talaga, baka nais na rin ito ng Apong Ginoo kasi kung hindi pa kami dumalaw ay kailan ka pa magkakaroon ng lakas ng loob na sabihin sa amin ang tunay na kalagayan mo? Diba?"

Bumitiw ako sa kanya at napangiti.

"Pasensya na po muli Nay..."

Hinaplos niya nag pisngi ko. "Ang nag-iisa naming Astelina, napakasaya namin para sa'yo anak."

The Doctor Series 3: Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon