Chapter 41

1.2K 57 8
                                    

CHAPTER 41

THE GAY'S BILLIONAIRE

Nakaupo ako sa sala kasama si Kuya Angelo, kuya Tristan and daddy. Nakatingin kami pareho sa pinto at naghihintay sa pagbabalik ni Mommy at Lolo. Lahat kami ay kinakabahan sa mga taong babalik dito sa mansyon. Lalong lalo na ako, I'm scared na baka isa sa kanila o dalawa sila na walang papasok sa pintong iyan.

"Anak, wag kang mag-alala. Hindi pababayaan ng lolo niyo ang mommy hmm?" pagpapagaan ng loob ni dad sa aming tatlo.

Umiling ako at napayuko, nagbabadya ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Masama ang kutob ko at naiinis ako dahil wala pang mali sa mga nagiging kutob ko.

Naramdaman kong tumayo ang tatlo kaya napaangat ako ng tingin sa kanila. Agad kong sinundan ang tinitignan nila. Nakita kong nakatayo si lolo sa pintuan at mga tauhan niya. Malungkot na nakatingin sa aming tatlo. Napatayo ako at agad na tumakbo palabas ng bahay.

Pero ni isang imahe niya ay wala. Bumalik ako sa loob at lumuluhang hinarap ang lolo. Malamig ang tingin niya pero nakikita ko ngayon ang lungkot sa mga mata nito.

"Lolo where's mom? B-bakit hindi mo siya kasama? M-may dinaanan ba siya?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Hindi ito kumibo at yumuko nalang. Doon ko napansin ang damit niya.

A blood stain.

Nakita kong yumuyugyog ang balikat niya. Naramdaman ko naman na may humawak sa magkabilang balikat ko.

Lalo akong napahagulhol dahil sa mga sinabi ni lolo.

"She- she's d-dead" umiiyak na saad niya.

"No. no. no" umiling-iling ako nang paulit-ulit.

Ayokong tanggapin, hindi totoo yan. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na may apo siya. Hindi ko pa sa kanya na sabi na mahal na mahal na mahal ko siya.

"Hindi" tumingin ako sa lolo ko na ngayon ay nakaluhod na umiiyak "Hindi totoo yan! Ipakita niyo si mommy sa akin! Hindi! You're lying lo! Just take me to my mom!"

"Baby, please calm down!"

"How could I be calmed down Kuya?! He's lying! Buhay si mommy!" umiiyak na sigaw ko sa kanya.

"Anak" napatingin ako kay dad.

Puno ng luha ang pisngi at namumula ang mata. Lalo akong napahagulhol ng makita ko ang mga luha niyang hindi natigil at pigil ang ginagawa niyang pag-iyak.

"Daddy" umiiyak na saad ko at agad na tumakbo sa kanya para yumakap.

"Shhh. It's okay" umiiyak na pagpapakalma niya sa akin.

"Dad I can't, she's a kind and loving mother to the three of us, but why?"

"Shhhh."

Humagulgol ako nang iyak dahil alam kong kahit siya ay walang maisagot sa tanong ko. Naramdaman ko ang yakap ng dalawang kapatid ko.

"Hinding-hindi tayo titigil hangga't hindi natin nahahanapan ng hustisya si mommy Maxine, Kuya's will make sure of you that huh?"

Umiiyak na tumango ako sa sinabi ni Kuya Angelo. We will make sure of that.

"Mom!"

Napabalikwas ako ng bangon dahil na naman sa panaginip ko. Hinihingal na hinawakan ko ang dibdib ko. Until now, bumabalik-balik ang panaginip na iyon.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon