Chapter 15

1.8K 71 5
                                    

CHAPTER 15

THE GAY'S BILLIONAIRE

"Ano?!" nanlaki ang mata ni Ann dahil sa sinabi ko.

"Oo"

Pagkagising niya kasi kanina, napansin niyang balisa ako at hindi mapakali kaya nagtanong kung ano ang nangyari. Kaya ayon, kinuwento ko sa kanya yung pag-uwi ng kuya ko.

Noah Angelo Novicio, he is our elder brother. Ako ang bunso. At pangalawa si Tristan. Pangalan palang mabait na pero nagkakamali kayo. Siya ang pinaka nakakatakot na kapatid na kilala. You know why?

Noon kasing bata palang kami ni Tristan. Niyaya ko itong lumabas at maglaro. Pero hindi ko naman inaasahan na napalayo na pala kami at naligaw. Mabuti at hinanap kami ni kuya Angelo, kaya lang pag-uwi sa bahay, pinaluhod kami sa asin at monggo.

Kasali rin siya sa underground business. Kung saan napasukan ko noong panahon na umalis ako ng bahay namin. Sa pitong taon na pagiging mag-isa ko. Ang mga gangster lang ang kasama ko. Hindi ko lang alam kung nalaman ba niya ang pagsali ko roon.

Kaya wag na rin kayo magtaka kung naging ganito na ako. Hindi lalambot gumalaw at parang lalaki. Wala eh, dito ako masaya. Mas napoprotektahan ko kasi ang sarili ko sa alam kong paraan.

Kaya si kuya Angelo, parang anghel lang ang pangalan pero demonyo talaga yan. lahat ng nakakakilala sa kanya takot na takot. Kahit ako na kinatatakutan, takot din sa kanya. Syempre una naman sa lahat kuya ko siya. At talagang masasaktan talaga ako dahil nandito na naman siya. Wag lang talaga niya malaman ang pagsali ko sa kinabibilangan niya.

Bakit naman kasi umuwi yun nang ganoon kaaga? Ang sabi kasi ng ama ko nung tinanong ko ito sa kanya eh may inaayos na business matter sa US kaya matatagalan ito dahil mahirap ang mga taong kakausapin niya. Hindi ko lang expect na maayos niya iyon ng ganito ka-aga.

"Owweeemmmgiii! Paano na yan?! Paniguradong papa-uwiin ka non!"

Tumango ako, paniguradong-panigurado. Kung sa ama ko ay nakakatanggi ako, sa kanya ay hindi. Takot ko lang na mahagisan ng ilang mga dagger sa katawan, iyon pa naman kung ano ang maisip eh gagawin niya. Tsaka alam na niya siguro na may pamangkin siya, sa kadaldalan ba naman ng kapatid kong isa. Imposibleng hindi pa niya nasabi yon don.

"Max, wag mo ako sisisihin kapag nabugbog ko siya ah! Kasi talagang aagapan ko na bago pa ako maunahan! Patay tayo nito Max, bakit naman kasi ang malas mo talagang nilala–kingina!" binatukan ko nga, kung ano lumalabas sa bunganga ito eh.

"Yang bunganga mo, bubugbugin ko eh!" inis na sabi ko sa kanya at napa hilamos sa mukha.

Lalo niya lang ako pinakaba kingina!

"Paano naman kasi Max! si Angelo yun eh!" mangiyak-ngiyak na saad ito at kagat-kagat na naman ang hinlalaki.

"Diba pinili mong sumama sa'kin? Oh ayan napapala mo!"

"Lah! Pasalamat ka nga sinamahan ka pa!" umirap ito at magsasalita na sana ng may kumatok sa pinto.

Nagka-tinginan naman kaming dalawa ni Ann dahil alam naman naming wala kaming bisita na darating. Kumabog ang dibdib ko ng may naisip. Siya na ba yan?

Lalong bumilis ang kabog ang dibdib ko ng may kumatok ulit sa pinto. Nalintikan na!

"M-max tara"

Ayoko pa sana kaso nakakaduwag ang ganon kingina naman! Habang papalapit kami sa pinto ay kabadong-kabado ako pati na rin si Ann na kagat-kagat ang hinlalaki niya.

Nang makalapit kami sa pinto ay si Ann na ang humawak ng doorknob dahil nanginginig ang kamay ko. Shit! Kalma ka lang Max, okay lang yan. Huminga ako ng malalim tsaka inayos ang sarili.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon