Chapter 55

1K 30 5
                                    

CHAPTER 55

THE GAY'S BILLIONAIRE

Ala sais pa lang nang umaga ay gising na ako, at katatapos ko lang mag impake ng mga gamit ko na dadalhin sa Jeju. Hindi na ako nag abalang magdala ng marami dahil for sure ay bibili rin ako doon, lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Nang matapos ay agad akong tumayo at naglakad na palabas. Sakto naman na paparating si Keith kaya agad akong napabusangot.

Ewan ba, alam niyo naman na hindi ako ganito dati kaya kahit ako naninibago sa sarili. Parang hindi ko na kilala ang pagkatao ko. Nang magawi ang tingin niya sakin ay napahinto muna siya at tinignan ang kabuuan ko. Pinagpatuloy naman niya ang lakad ng matapos ito, akala ko ay lalagpasan lang ako nito pero kinuha niya ang hawak kong maleta pero ayaw kong ibigay sa kanya.

"Kaya ko, wag moko tulungan" pagtataray na sabi ko dito at pilit na inaagaw ang maleta ko.

"Tss, akin na"

"Oh edi sayo na!" bigla kong binitawan ang maleta kaya muntikan na siyang matumba kasama ito. Hindi ko alam pero napahagalpak ako ng tawa dahil doon, masama naman niya akong tiningnan sabay iiling-iling na umalis sa harapan ko at bumaba sa hagdan.

Inayos ko muna ang sarili bago ako sumunod sa kanya. Quarter to 8 na kaya lahat ng tao dito sa bahay ay nasa sala na. Nang makarating sa pwesto nila ay napansin kong hindi nakabihis si Tristan. Kaya agad ko itong tinanong kung wala na ba siyang masuot o hindi siya sasama.

"Susunod nalang ako sa inyo baby, may pinapatapos pa si dad sakin" nakangiting sagot niya kaya tumango nalang ako.

"Mom's called me bago ako matulog" napalingon ako kay Angelo na hawak hawak niya ang kanyang maleta. "She said that they will wait us at Jeju Airport" tumango ako sa kanya

Naka business suit ito at may briefcase na dala-dala sa isang kamay. Naging maskulado lalo ito dahil fitted sa kanya ang suot. Napatingin siya sa kanyang relo kaya ganoon din ako. 8 am na at dapat 1 hour before flight ay nandoon na kami sa loob ng airport. Ngayon lang pumasok sa isip ko, we have a private plane naman so bakit hindi nalang yun ang gamitin namin?

"Anyway Angelo, may private plane naman tayo so bakit hindi nalang tayo doon?" I ask him out of the blue. Biglang nag pop up kasi sa utak ko.

"We have but I just don't want to use it" bagot na saad niya kumunot ang noo ko, huminga muna siya nang malalim bago ulit magsalita "I want to be a normal person"

Pagak ako natawa, Normal Person? Anong akala niya sa sarili hindi ba? Na galing siyang ibang mundo at napunta dito?

"Don't laugh, It's not funny" lumukot ang mukha nito na lalo kong ikinatuwa.

"I smell something fishy" bulong ni Tristan sa'kin kaya tumango ako.

"He's indeed a man kung dahil sa babae yang pagbabago niya" sabi ko at ngumiti.

Well baka tama ang hinala ko kay Dr. Peralta. Back at the hospital, I saw his eyes. Something in their., something that he can only explain.

"Mamang, forget don't me ha? Basta yung size ng paa ko—aray ko naman Ann!" himas-himas nito ang batok niya ng batukan siya ng katabi.

"Don't forget me kasi yun tanga!" pagtatama sa kanya ni Ann at bumaling sakin "Yung akin size 6 hehe" tumatawang saad niya kaya napailing ako.

"Kita mo to, echossserra talaga"

"Tse!"

"Basta walang magsasalita sa inyo about dito" itinuro ko ang tiyan ko na ikinatango nila.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon