Chapter 22

1.4K 62 2
                                    

CHAPTER 22

THE GAY'S BILLIONAIRE

MAXINE ZIN KATE NOVICIO

Hindi ko alam kung ano ang problema ng bayot na iyon at bigla-bigla na lang nagalit at umalis. Dahil ba sa sinabi ko? Ginawa ko lang iyon para sa anak at sarili ko. Yung pag lihim sa kanya ng pansamantala ay mas makakabuti.

Kaya nga konting tao lang ang may alam na may anak na ako. Ayokong magaya ang anak ko sa sarili ko. Magulo ang buhay. Gusto ko siya bigyan ng maganda at matiwasay na pamumuhay dito sa mundo.

FLASHBACK

Nagising ako na puti lahat ang nakapaligid sa akin. Iginala ko ang mga mata at napagtanto na nasa hospital ako. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko para maalala ang nangyari. Nang maalala lahat ay nagmulat ako at saktong may nagbukas ng pinto at iniluwa si dad at si Angelo.

"How are you?" tanong agad ni Angelo sa akin.

Hindi ko masabi kung masama ba ang pakiramdam niya o galit talaga siya. Magkasalubong ang kilay at nakakunot ang noo na seryosong nakatingin sa akin.

"Masakit lang ang braso" sabi ko at pinakita sa kanya.

"Let's just wait for your doctor. We will ask about that. I have something to tell you" seryosong saad niya.

Tumingin ako kay daddy na ngumiti lang sa akin ng tipid.

Ano bang meron at ganito sila ka-seryoso at ganyan ang mukha? May nangyari ba habang wala akong malay? Si Demon? Nasaan? Alam ko na kasama ko siya bago ako mawalan ng malay. May nangyari ba at ganito na lang ang mga mukha nila?

"Si Demon?" kunot-noo kong tanong ng hindi ko talaga siya nakita dito sa loob ng kwarto.

"Demon? Maxine injured ka at ang bakla na iyon pa rin ang iniisip mo?!" inis na saad ni Angelo kaya napa-frown ako

"Nasaan nga siya?" saad ko at pilit na umupo. Tinulungan naman ako ni dad. Naglagay siya ng unan sa likod ko, ngumiti ako sa kanya at bumaling ulit kay Angelo.

"Umalis na kanina pa" bagot na sabi niya

"Pinauwi ko muna siya anak. Mukhang pagod kasi" dagdag ni dad

Kaya napatango ko, akala ko may nangyari na sa bayot na iyon. Konsensya ko kapag nangyari yon.

"Concern ka sa kanya Maxine? Nice. That's new" nakangising saad ni Angelo

Kaya kunot-noo ko siyang tiningnan "Ang ulaga ng bayot na iyon sa lahat ng bagay. Konsensya ko kapag may nangyari sa kanya. Sisihin pa ako ng magulang non" sagot ko rito

"Okay" nakangisi pa ring sabi niya kaya napailing na lang ako.

"Ano bang sasabihin mo?" tanong ko ng maalala na may sasabihin pala siya dapat.

Nawala ang ngisi nito at napalitan ng seryoso. Galit nga.

"Your ex-fiancé is here" seryosong sabi niya kaya natigilan ako.

Bakit naman siya nandito? Ano ang kailangan niya? At paano naman niya nalaman na nandito ako? Bilib din ako sa taong yun.

"Ano daw ang kailangan?" seryoso ring tanong ko sa kanya

"He wants to see you" kibit-balikat na sabi niya

"Anak" napabaling ako kay dad "Isantabi mo muna ang galit jan sa puso mo at makipag-usap ka sa kanya. Matagal na ang nangyari at walang-"

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon