Chapter 27

1.2K 51 2
                                    

CHAPTER 27

THE GAY'S BILLIONAIRE

Gulat na nakatayo, nakatakip ang isang kamay sa bibig at ang isang kamay ay sa ulo. Ayan lang naman ang postura ng isang O.A na bayot.

"What's wrong dude?" nagtatakang tanong ni Vandross sa kanya.

Nakatingin lang din ako sa kanya na katulad din ni Vandross, ay nagtataka. Nagtataka kung bakit ganyan na sobrang malala ang pagkagulat ng malaman na ex-fiancé ko nga ang kasama namin ngayon.

Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa at umiiling ng paulit-ulit sa huli.

"P–paanong..." iyan lang ang narinig ko na salita niya at umiling ulit.

Nag salubong ang mga kilay ko ng yumuko ito at malalim na nagpakawala ng hangin. Maya-maya pa ay dahan-dahan niyang inangat ang ulo niya at diretsong tumingin sa akin.

Hindi ako sigurado pero may nakikita akong lungkot sa mga mata niya. Hindi ako sigurado pero ayaw kong ikumpirma ito. Bakit may lungkot sa mga nito ngayon? Alam ko lang ay mataray at matalim na tingin lang ang ipinupukol niya sa akin, pero ngayon ay may iba akong nakitang emosyon sa mata nito.

Bumuka ng ilang beses ang bibig nito pero walang lumalabas na salita. Bumuntong hininga ulit ito at tumingin sa aming dalawa ni Vandross.

"Uuwi na ako" may lungkot sa boses na sabi nito.

Tumingin siya sa akin bago siya tumalikod at naglakad palabas ng bahay.

Hindi ko alam pero napatayo ako bigla.

"Where are you going?" tanong ni Vandross at tumayo na rin.

"Uuwi na rin ako" sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Can you stay for awhile?" gusto kong mapangiwi sa lungkot ng boses niya.

"May trabaho pa kasi ako. I need to go" ngumiti ako sa kanya at dali-daling lumabas ng bahay.

Nagbabakasakali na maabutan si bayot. Pero pag labas ko ay wala na ang sasakyan nito. Ngayon ay mag cocomute pa ako pauwi nito, hindi ba niya naalala na wala akong dalang motor?

Agad akong sumakay ng taxi ng may mapadaan sa harap ng mansyon. Sinabi ko ang address ng bahay ni bayot, tumingin ako sa labas ng bintana at napabuntong hininga. Hindi nakaligtas sa akin kanina ang pag kuyom ng kamay ni Vandross at umigting ang panga nito bago ako umalis sa harap niya.

Alam kong nagdududa na ito sa inasal ni bayot sa harap namin. At doon na lumalim ang pangamba ko hindi sa sarili ko. Kundi para sa anak ko at sa kanya.

Pinikit ko ang mga mata.

Gabayan mo ako sa mga desisyon na gagawin ko. Ilayo mo sa kapahamakan ang mga malalapit at importanteng tao sa akin.

Agad kong inabot ang bayad sa driver at agad na lumabas. Tumingin ako sa garahe ng bahay niya at nandito na ang kotse niya. Naglakad na ako papasok at naabutan ko sa sala si manang na nagtutupi ng mga damit.

"Oh hija? Bakit hindi kayo magkasabay na umuwi ni Demon?" tanong niya at binalingan ulit ang ginagawa.

"Ah. May dinaanan pa kasi ako" lumapit ako sa kanya "kinuha na ba ni Angelo ang anak ko ho dito?" tanong ko sa kanya

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"Hindi pero ang isa mo pang kapatid ang pumunta dito, ang sabi ay pupunta sila ng Palawan at doon mag babakasyon. Akala ko nga kanina ay kasama kayong dalawa. Lumakinggwapoangbatanaiyon" sabi niya at may binulong sa huli.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon