Chapter 32

1.1K 46 6
                                    

CHAPTER 32

THE GAY'S BILLIONAIRE

Pagkarating namin sa mansyon ng mga Novicio ay agad nilapatan ng unang panlunas ang sugat sa braso ni lesbi. Ayaw pa nga niya nung una pero dahil si Angelo ang nasa harap niya. Ayon parang bata na sumunod.

And yes. Lesbi's family are already here. Kanina lang din dumating. Nang mangyari kasi sa amin yung tungkol kanina ay nasa byahe na pala sila pauwi ditey. Kaya heto kami ngayong dalawa nakaupo sa harap nilang lahat at nakatungo. Masama kasi ang tingin sa akin ni Tito Ricardo achuchu. Wala naman kaya akong ginagawang masama.

"Maxine what do you think your doing huh?" tanong sa kanya ni Angelo habang palakad-lakad sa harap namin.

"Ano na naman?" kunut-noong tanong naman ni lesbi sa kanya.

"Ano na naman?! The heck Maxine Zin! Hindi kaba nag-iisip?!" inis na sigaw niya kaya napapikit ako.

Nakakatakot talaga tong magalit eh! Ano bang sinasabi niya?

"Kuya wag mo naman pagalitan ang baby ko!" napatingin ako bigla kay Tristan dahil sa sinabi niya.

"Tristan tumahimik ka" saway sa kanya ni Tito Ricardo.

"Eh dad! Look! hindi ko nga sinisigawan yan eh! Kuya hayaan mo na yun okay?! Alam— araaaay!" napadaing siya at humawak sa bewang niya.

"Shut up ka na lang pwede?!" sita sa kanya ni Ann.

"Makakurot naman to!" nakangusong sabi niya at hinimas-himas ng paulit-ulit ang bewang.

"You!" napabaling naman ako kay Angelo ng sumigaw ito at nakatingin sa akin.

Itinuro ko ang sarili na ikinatango niya.

"Yes you!" nakaturo pang ulit niya "Ano bang sinabi mo sa kapatid ko para gawin yun?!" may halong galit na tanong niya.

Lunok

"A–ah eh..." tumingin ako sa paligid na nakatingin din sa akin ang lahat maliban sa katabi kong prenteng nakaupo, magka cross ang braso sa dibdib at nakapikit. Ha! Bilib talaga ako sa tomboy na to. "Ano bang sinasabi mo?"

"What?! You didn't know?! Tss. Don't your dare to lie on me Mr. Montenegro!" galit na sabi niya habang nakaduro sa akin at matalim na tingin ang pinupukol niya.

Lunok

Ano ba kasi yun?! Wala nga akong alam kaya why would I lie to him?! My gosh! Ang hot ni kuya ah!

"I really do—"

"Wala siyang alam Angelo" nabaling ang tingin ng lahat kay lesbi. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at diretsong nakatingin kay Angelo. "Ako ang kusang gumawa non" seryosong saad niya at tumingin sa iba. "Keith isama mo ang dalawang yan sa guestroom. Dito muna tayo dahil delikado" tumango si Keith at hinablot si Mike at Ann papunta sa taas.

"Hoy! saan mo dadalhin yan?!" biglang tanong ni Tristan kaya napahinto sila

"Akow ba iyown fafa Trist? Hihii enebe! Kung gustow mo aketch makatabi weg ke meheye! Hihihi tere ne—"

"Hindi ikaw bakla!" sigaw niya kay Mike na nakabaliko na ang dila. Chos lang!

"Sinetch fafa?" humawak pa ang bakla sa dibdib na animo'y nasasaktan.

Hahaha amp! Pigil na pigil ako sa pagtawa. Baka chumbagin ako bigla ng kaharap ko.

"Ito" sabay hila kay Ann na nagulat.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon