Chapter 10

2.1K 75 2
                                    

CHAPTER 10

THE GAY'S BILLIONAIRE

Tumayo ako at nilapitan si Matt.

"Anak go to your room okay?" sabi ko at hinaplos ang buhok nito. Umiling siya

"I want to be with papa, You said we're going to his work right?" inosenteng tanong niya

"Right. but after I talked to our visitor okay?" nagpapasalamat ako ng tumango ito "Ann please" tumingin ako kay Ann. Tumango naman ito at lumapit sa amin.

Iginaya niya papuntang kwarto si Matt. Kaya bumalik na ako sa tabi ni Tristan at umupo. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Alam kong kinocomfort niya ako. Mabuti nalang at hindi na nagmatigas pa si Matt, alam niyang ama niya ang kausap namin pero mas pinili niyang tumahimik. Thanks to him, nakahinga ako ng maluwag.

"Is that your son?" tanong nito at tumingin sa amin.

Tumango ako. Wala ako sa mood magsalita. Gusto ko nalang lumabas dahil masyado ng mainit dito at hindi na naman ako makahinga ng maayos. Letcheng bakla kasing to, kinakabahan ako sa lalabas sa bibig niya.

"Ehem! so ayon na nga. I will file a case to your wife Mr."

"Novicio"

"Yes! Mr. Novicio. At gusto ko lang naman sabihin sayo na yang asawa mo ay ninakaw niya ang puri ko!" ayan na naman siya sa masamang tingin niya "she's been my nightmare for how many years! At ikaw naman! bakit mo kasi ako–urgh! so gross! basta bakit mo ginawa yon?!" sigaw niya.

Nabibingi na ako sa kakasigaw nila! Kanina pa ako naririndi eh! Simula sa dalawang tao dito sa bahay na kasama ko kanina tapos dumagdag pa ito.

"I don't even care about my wife's past, we're ready to face what she did wrong about you. And can you please stop shouting at my wife?"

Ako lang ba? Ako lang ba nakakahalata na may diin itong panghuling sinabi ni Tristan? Sarap batukan talaga eh! Pinapalala niya ang sitwasyon ko, hindi talaga siya nag-iisip.

"Oh c'mon! Mr. Novicio hindi ka man lang ba nagulat na may nagyari sa amin niyang asawa mo?!"

Tiningnan ko ito masama, ano bang pinopoint niya dito? Hindi na nga ako nag reklamo na magdedemanda siya laban sa'kin tapos ito at, binabanggit na naman niya ang tungkol sa kalaswaang nangyari sa amin. Sipain ko to palabas ng bahay eh.

"We already talked about that issue Mr. Montenegro. Don't worry, hindi ka namin tatakasan. right my wife?" tumingin naman sila sa akin.

"Yeah" walang magawa na saad ko at bagot na tumango nalang.

Tarantado ka talaga Tristan. Yari ka sakin mamaya pag umalis to.

"Tss" napatingin kami sa kaharap namin ng sumighal ito. Ano bang problema niya at ang sama talaga ng tingin niya sakin.

"Nakakainis ka talagang babae ka alam mo ba yun?! My gosh! naeestress na naman ang beauty ko. Hmp! gustong gusto na talaga kita sabunutan!" gigil na sabi ng kaharap ko at niluwagan ang necktie niya.

"Tumahimik ka baka marinig ka ng anak ko" walang emosyong saad ko.

"Gosh! Tapos this house! Nasisikmura niyong dito kayo tumira?! my gosh! mayaman ka naman ata Mr. Novicio?"

"That case is not your business Mr. Montenegro, my wife is uncomfortable already. You can leave now" natitimping sagot niya sa bakla.

Umirap naman ang isa at may bumubulong-bulong pa na hindi naman namin naririnig. Tumayo ito at tinignan ako ng masama.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon