Chapter 18

1.8K 70 0
                                    

CHAPTER 18

THE GAY'S BILLIONAIRE

VANDROSS MONTEVERDI

Bumaba ako ng aking sasakyan. Tumingala sa malaking kompanya na nasa aking harapan. Huminga muna ako ng malamim bago pumasok. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ng isang babae.

"Good morning Mr. Monteverdi, My boss is already at his office. This way sir" nakangiting sabi niya kaya tumango ako.

Sinundan ko kung saan siya naglakad. Iginala ko ang tingin sa buong company niya. Tama nga ang ama ko. Isang bilyonaryo ang taong ito. Ng makapasok sa elevator ay ilang minuto pa ang ginugol namin nang makarating kami sa office niya.

Ng nasa harap  na kami ng opisina ay kumatok muna ito ng tatlong beses.

"Come in"

Sagot ng nasa loob. Napakunot ako ng noo. Nagtataka ako kung bakit ganoon ang boses niya.

Binuksan na ng sekretarya niya ang pinto at naglakad na kami papasok. Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa isang couch at isang lalaki sa kanyang office desk at nakatutok sa kanyang ginagawa.

"Sir, Mr. Monteverdi is already here" sabi ng secretary niya at doon siya umangat ng tingin.

Tumango ito at sumenyas sa sekretarya niya na umalis. Pagkalabas ng babae ay bumaling siya ng tingin sa akin at ngumiti.

"Nice to meet you Mr. Monteverdi, I am Demon Lohr Montenegro at your service hihi" kahit nagtataka ay tinanggap ko naman ang kamay nito.

Nagulat pa ako ng may kasamang pagpisil ito sa kamay ko.

"Nice to meet you Mr. Montenegro" balik na bati ko at ngumiti.

Napahawak naman ito sa mukha at akala mo'y kinikilig. Bakla ba ito?

"Oh anyway, take a sit" sabi niya at tinuro ang kaharap na upuan.

Umupo naman ako at hinintay siyang matapos ligpitin ang mga gamit na nasa harap niya. Ng matapos ito ay ngumiti ito ng malapad.

"The guy right there is my cousin, Andrew Montenegro" tinuro niya ang lalaking nasa couch at prenteng nakaupo. Tumingin ito sa amin at nag nod. I just nod back at tumingin ulit sa kaharap.

"Hindi na ako magtatagal Mr. Montenegro, I'm here to clarify by name of my dad. He can't attend your meeting today because his condition right now is not good. So I'm here in front of you and my dad decided to accept your proposal" lintaya ko at ngumiti.

"Oh! so formal mo naman Fafa..? what is your full name again?" nakangiting tanong niya.

Confirmed that this man is gay.

"Vandross. Vandross Monteverdi" nakangiting sabi ko.

Nawala ang ngiti nito at napalitan ng pagtataka ang mukha.

"Vandross? Hmm" tumingin ito sa taas at nag isip.

Kahit nagtataka ay hinintay ko na lang ang sasabihin niya.

"Your name are so familiar" nagtataka pa ring sabi niya pero ng hindi niya siguro ito maalala ay tumingin nalang ito ulit sa akin at ngumiti. "Hayaan mo na. anyway highway! don't be so formal at me fafa Vandross hihi" kinikilig na sabi nito at may hampas pang kasama sa braso ko.

Napailing nalang ako sa inakto niya. Hindi naman ako ilag sa mga bakla. May mga naging kaibigan ako dati na kaibigan din ng taong mahal ko. Napapangiti nalang ako ng maalala siya. Kumusta na kaya ang mga iyon? I'm sure they are know that I'm here. Well I'll just visit them someday, busy pa kasi ako dahil kay dad.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon