Chapter 46

1.1K 37 2
                                    

CHAPTER 46

THE GAY'S BILLIONAIRE

We're here at cottage na, kumpleto lahat. Huhu ang mapanuring mata nina Angelo at Tristan kanina pa yan! Bakit ba ganyan sila makatingin? Eh pinagsandok lang naman ako ni lesbi kanina eh tapos pinaghimay ako ng crabs.

Pout

Sa totoo nga lang, ayoko naman na ako yung pinagsisilbihan ni lesbi. Gusto ko din namang ako ang gagawa nun sa kanya, eh ano magagawa ko? Mas takot kaya ako kay lesbi kaysa sa kanila.

"At kung hindi pa kami makakauwi ngayon ay lalong magkaka problema anak, kaya mauuna na kami sa inyo" saad ni Tita Marie.

Kanina pa kasi niya sinabi yan, kaso itong si Angelo ayaw pumayag. Nagka problema daw doon sa company nila kaya gusto na nila mauna na umuwi sa amin.

"But mom, we're here to relax" sabat ni Tristan at tiningnan ang lahat. "Diba guys?!"

Napatango naman kami maliban kay lesbi na seryoso lang na nakatingin sa parents niya. Napabuntong-hininga naman ako.pout. Kanina kashi ang lambing-lambing niya tapos nung dumami lang ang tao balik na naman siya sa dati.

"You have 2 days here, just enjoy and spend time with each other okay?" sabi naman ni Tito Ricardo.

"Tita! Tito!" sigaw ni Mike na nakataas pa ang kamay.

Napalingon naman kami sa kanya lahat. Katabi niya si Joann na ang talim ng tingin sa akin kaya napaiwas ako. Hahaha pikon pa siya hanggang ngayon? Si Keith naman ay kumakain lang.

"Oh hijo bakit?"

Napasimangot naman bigla siya kaya tumawa ang iba.

"Unica hija ako mga mamang!" pagtatruntams niya. "Pero itatanong ko lang po sana kung libre na po ang nandito hehehe"

"Of course hijo, just take what you want here" nakangiting saad ni Tita. "Pati na rin kayo"

Napatango naman kami.

"Talaga po?!" kumikislap ang mata na sabi ni Mike at napatayo pa. "Joann ano daw sabi?" baling naman niya sa katabi.

Napairap naman siya at napailing nalang kami. Kahit kailan talaga itong isang to, sinisira ang mood ng lahat. Napatawa naman sina Tito at Tita. Kinuha ang mga gamit at humalik sa lahat. Tumayo si lesbi at tinulungan ang mga kuya niya. Ihahatid nila sa daungan ang parents nila.

Naiwan naman kaming apat dito. Napairap ako ng magtama ang mata namin ni Joann. Eechosin na naman ako nito eh! Kaasar!

"Oh ano ngayon? Hindi kana pinapansin ano?! Hahaha" sabi niya at humagalpak ng tawa.

"Ay ano meron?" tanong ni Mike at sumubo ng hipon.

Ewww! Hindi man lang ba niya babalatan yun? Kadiri naman to! I keennaat!

"Hinalikan lang naman ni Max ito at ngayon hindi—Shocks! Bakla! Bakit moko binugahan ng shrimp?! My goodness!" agad na kumuha ng tissue si Mike at pinunas sa mukha ni Joann.

Todo pigil naman ako sa pagtawa pero napaayos ng upo ng mahagip ng mata ko si Keith na seryoso lang na nakatingin sa akin.

"Eh kasi naman! Totoo ba yung sinabi mo? Si Max talaga?" intrimitida din to eh. Ayaw pa maniwala.

"Oo nga! I saw it with my two eyes!—ano ba?!" kinuha ni Joann sa mukha ang tissue na biglang itinapon ni Mike.

"Kailangan englisherist?! Nakakaloka ka gurl ha!" umirap ito at tinuloy ang pagkain.

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon