Chapter 31

1.3K 46 4
                                    

CHAPTER 31

THE GAY'S BILLIONAIRE

DEMON LOHR MONTENEGRO

"Hoy!"

Napaangat ako ng tingin kay Drew ng sumigaw siya sa harap ko. Kanina pa kasi siya talk ng talk ng talk. At hindi ako interesado sa kwento niya dahil malalim ang iniisip ko.

"I'm almost 1 hour here Demon! Why didn't you speak up?!" iritableng sabi nito

Napabuntong hininga na lang ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"What's your problem Dre? Tatawag tawag ka sa'kin na ganito ka-aga tapos kanina kapa nag bubuntong hininga jan. May nangyari ba? Hindi ka naman ganyan kahapon bago umuwi"

Nung tinatanong niya ako kung gusto ko siya, ay saglit akong nawala sa ulirat dahil pumaulit-ulit yun sa pandinig ko. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ngayon. Dahil ba sa sinabi ko o sa sinabi niya? Tama lang naman na sinabi kong wala talaga akong gusto sa kanya diba?

Eh bakit nalulungkot talaga ako ngayon? Kahit ako naguguluhan na sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ba yung totoo dito o hindi na. Kung may nararamdaman ba ako sa kanya o wala. Sobrang gulo!

"Demon isang buntong-hininga mo pa. Aalis na ako"

Tumingin ako sa kanya at ngumuso. Dapat ko bang i-share itong iniisip at nangyari sa akin kagabi? Baka kasi kung ano na naman sasabihin niya. Lalong gugulo ang pretty brain ko if ganern!

"May nangyari kasi sa akin kagabi, may humarang sa kotse noong malapit na ako sa village namin"

"Really?! What happened? Are you okay? Alam ba ito nila tito?" umiling ako "then why you didn't tell them?"

"Ayaw ko silang mag-alala Drew. Please just keep it secret to them okay? Alam mo naman si mommy! May pagka-OA yown!"

"Like you Demon. You need to tell them about this! Paano na lang kung napahamak ka? Edi lalong mag-aalala sila tito and tita? Think Demon! Think!"

"Nanjan naman si..si.."

Nanjan naman si lesbi eh. Iniligtas niya ako.

"Si?"

"Si lesbi"

"Oh god Demon! Hindi sa lahat ng oras nandyan siya! Don't tell me, iniligtas ka na naman niya?"

Tumango ako.

"Pero kung hindi siya dumating edi namatay ka? C'mon Dude! Think it! Alam mo namang hindi ko kayang mag sinungaling kay tito lalo na kay tita"

"I will tell them soon Drew, not now but I will make sure na masasabi ko sa kanila. Please, hayaan mong ako ang masabi okay?"

Huminga ito ng malalim at tumango.

"Okay, but promise me. Sasabihin mo sa kanila yung nangyari" tumango ako at ngumiti sa kanya. "Tell me, ano bang nangyari? Sino daw yung humarang sayo?"

"I don't know, but lesbi knows it. Those man said yesterday na may nag-utos sa kanila"

"Who?"

"Hindi sinabi. I don't have any clue kung sino ang gagawa nun sakin"

Napabuntong hininga ulit ako. Kilala niya ang mga yon at mamamatay tao daw talaga ang mga iyon. At takot na takot ako this time. Napapaisip ako, sino ang gagawa sa akin ng ganoon? To the point na kaya niyang gumawa ng kasamaan.

"Maybe it was Mr. Cy"

Yung mag-uutos na etegi ako at.. at..

Wait? Did I hear Mr. Cy?

The Gay's BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon